Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Maruming paa ng bagong ligo

 

Dear Señor H.

Nanaginip ako galing daw ako sa labas puru putik daw pumasok ako sa bahay ang linis ng paa ko tapos naligo ako pagkalabas ko daw ang dumi ng paa ko ano ang sinasaad ng panaginip ko salamat (09355846700)

To 09355846700,

Ang putik sa bungang-tulog ay nagsasabi na ikaw ay posibleng nasasangkot sa ilang messy and sticky situations. Nagpapaalala rin ito sa pangangailangan ng ilang spiritual cleansing. Maaaring may suliranin, sitwasyon, o relasyon na nagpapabigat sa iyo at ikaw ay nagiging frustrated. Maaaring may kaugnayan din ito sa mga taong naninira sa iyo at gustong mabahiran ng dumi ang iyong pagkatao.

Kapag nakita sa panaginip ang iyong paa, may kaugnayan ito sa

foundation, stability at sense of understanding. Nagsasabi ito ng pangangailangang maging practical and sensible. Panatilihing nakatapak ang iyong paa sa lupa. Alternatively, may kaugnayan din ito sa mobility, independence at freedom.maaaring tama ang landas na tinatahak at pinag-iisipan ang iyong mithiin sa susunod na hakbang. Kung nakitang hinuhugasan ang paa, nagsasaad ito na maaaring mapagsamantalahan o maabuso ka ng ibang tao.Para sa mga Kristiyano, ang paghuhugas ng paa ay simbolo ng forgiveness and compassion. Kung may humahalik sa paa mo, simbolo ito ng humbleness, humility, or devotion. Kapag mabaho ang paa sa panaginip, nagsasaad ito na dapat kang maging maingat sa susunod na hakbang o planong gawin. Kung nanaginip na may umaamoy ng paa mo, ibig sabihin nito ay may nagmamasid sa mga bagay na ginagawa mo. Kung ikaw naman ang umaamoy sa paa ng iba, ibig sabihin nito ay ginagaya mo ang buhay ng iba, imbes na ikaw ang gumagawa ng sarili mong tadhana.

Ang ukol naman sa panaginip na ikaw ay naliligo ay may kaugnayan sa cleansing ng iyong outer and inner self. Hinuhugasan o inaalis mo ang mga panahon na mahirap o kaya naman, ito ay simbolo ng pagtanggal mo sa old ideas, notions, opinions, at iba pang mga bagay na negatibo. Ito ay posible rin naman na may kaugnayan sa forgiveness and letting go.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

The Department of Science and Technology – Central Luzon, under the leadership of its Regional …

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …