Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis utas sa saksak ng dyowang sekyu (Nagtalo sa kapos na pera)

PATAY ang isang misis makaraan pagsasaksakin ng kanyang live-in partner na sekyu nang magtalo dahil sa kakapusan sa pera kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Analyn Ental, 34, tubong Zamboanga Del Norte, residente ng 2166 CBY Barracks II, Purok 6, Brgy. 185, Malaria ng nasabing lungsod.

Habang pinaghahanap ang kanyang live-in partner na si Domingo Albarico, security guard, mabilis na tumakas.

Batay sa ulat ni PO3 Gomer Mappala, dakong 10:46 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng dalawa sa nasabing lugar.

Salaysay ng kapitbahay nilang si Raymond Dagdag, 31, bago ang insidente, narinig niyang nag-aaway ang mag-asawa dahil sa kakapusan sa pera.

Pagkaraan ay nagalit ang suspek, kumuha ng itak at pinagsasaksak ang biktima.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Task Force Kasanag

Task Force Kasanag naghain ng reklamong plunder at graft laban sa mga opisyal ng NIA at mga kontratista; Dating mga opisyal ng DPWH kinasuhan din

QUEZON CITY — Inanunsyo ng Task Force Kasanag (TFK), sa pangunguna ni Dr. John J. …

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …