Media ops vs Albay Gov. Joey Salceda may kinalaman sa 2016 elections!?
Jerry Yap
July 15, 2015
Opinion
MUKHANG matunog na matunog pa rin ang pangalan ni Albay Governor Joey Salceda na tinatapos ang kanyang last term ngayon bilang punong ehekutibo ng probinsiya at nagpaplanong balikan ang kanyang dating puwesto bilang kongresista sa Distrito 3, Ligao City sa lalawigan ng Albay sa Bicolandia.
At mukhang ‘yan din ang dahilan kung bakit biglang sumulpot ang reklamo sa Ombudsman na siya ay idinadamay sa P47-milyones na malversation case.
Ito raw ‘yung allotment mula sa Malampaya Fund para pantulong sa evacuees noong 2009 Mayon volcano eruption.
Take note, 2009 pa ginamit ang nasabing pondo direkta mula sa Department of Budget and Management sa pamamagitan ng Special Allotment Release Order (SARO).
Pero ang nakapagtataka, nitong Abril 14, 2015 lang nagreklamo ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).
Ayon sa isang tagapagsalita ni Gov. Salceda, ni hindi nahawakan ng Albay government ang nasabing SARO.
Direkta kasing inire-release ito ng DBM sa mga opisyal ng lugar na patutunguhan ng proyekto.
Umabot umano sa 300 barangays ang nabigyan ng ayuda gaya ng bigas mula sa Malampaya funds na ilalaan sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Mayon.
Anyway, ilang taon na ang nakalipas, at noong panahon na ‘yun hindi natin kinaringgan ng kahit anong pagdaing o reklamo ang mga residente na apektado ng Mayon Volcano eruption?!
Kaya naman nagtataka talaga tayo kung bakit paglipas ng anim na taon (from 2009 to 2015) ‘e ngayon lang may nagrereklamo at ginamit pa ang VACC?!
Bakit nga ba, VACC Chairman Dante Jimenez?
P47-million question mark talaga ‘yan!
Ayaw natin isipin na may kinalaman ito sa 2016 elections…
Sana naman, ‘di ba Ka Dante Jimenez?
Anyway, may info tayong nakuha, na ang may ‘pakana’ raw ng media ops na ‘yan ay isang party-list representative na may utol na papalaot din sa politika.
‘Yun na!
Dalawang airport police nadale ng isang bala!?
Sumakit ang tiyan ko katatawa diyan sa press release ng Manila International Airport Authority (MIAA) kamakalawa tungkol sa pagkakasugat ng dalawang Airport police mula sa IISANG BALA na aksidente umanong nakalabit ng isang biktimang pulis-airport.
Naniniwala ako na through and through ang bala ng baril na 9mm pero parang drawing na drawing naman na ang dalawang pulis ay kapwa tinamaan ng isang bala sa hita.
‘Yung isa, tatlong beses pa at may blast injury sa kaliwang palad, habang ‘yung isa pa, isang tama sa hita at blast injury sa kaliwang palad din — NG IISANG BALA?!
Anak ng tokwa!
May magic ba ang balang ‘yan at napakagaling mag-rebound?!
Parang gusto tuloy nating itanong, MAGKAPATONG ba ‘yung dalawang pulis nang pumutok ‘yung iisang baril at nagpakawala ng iisang bala?!
What the fact!
Mahirap ipaliwanag ‘yan!
‘Yan ang hirap dito sa batch ng mga bagong Airport police, malilikot pa ang mga kamay sa pagkalabit ng gatilyo.
‘Yun bang tipong, hindi mapakali at galaw nang galaw ang mga daliri.
Ano ba talagang training ang ginawa niyan sa isang resort sa Nueva Ecija, APD concurrent chief Gen. Jesus Gordon Descanzo?!
Aba kung ganyan ang mga bagong pulis na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nakanenerbiyos namang totoo!
Alyas Jack ‘D Russel exempted sa rotation ng BI!
Nasaan na pala ang sinasabing patas na pet project ni Bureau of Immigration (BI) Comm. Fred ‘simple misconduct’ Mison na nationwide rotation??
Ilang Immigration Head Supervisors ang nagrereklamo na ilang mga ACO (alien control officer) ang hindi pa rin nagagalaw kahit tinubuan na ng ugat sa pagkakapako sa kanilang pwesto/teritoryo.
Isa na rito ang isang alyas JACK ‘D RUSSEL na matagal nang nakapako riyan sa isang sub-port sa CALABARZON pero hanggang ngayon ay nananatili pa rin doon bunsod ng pagiging close-in alalay ‘este ally ng isang bossy-bossy diyan sa BI main office.
Para nga raw nabili na nitong si alyas Jack Russel ang puwesto nya?!
E magkano ‘este’ ano ang dahilan kaya?
Sabagay ikaw ba naman ang mag-sponsor umano ng pa-golf-golf at staycation galore ni ‘Mr. good cum bad guy” at jowawits n’ya sa kahit saang lugar ng Region 4 ‘e di natural na exempted ka na sa tapunan!?
Kaya ‘yang sinasabi nila na every 4 months iikot lahat ng empleyado ng Immigration, ‘e huwag kayo maniniwala!
Pusta, piso n’yo tamang isang daan ko kung makakasama nga sa rotation ‘yang si alyas JACK ‘D RUSSEL.
Hindi kaya ‘yan ang reward sa kanyang pag-broker sa isang malawak na Tagaytay farm na pag-aari umano ng isang Immigration “Mr. good cum bad guy” official?
Anyway, applicable kaya kay alyas Jack ‘D Russel ang favourite quote ng isang Immigration official na: “When the oceans rise and thunders roar. I will rise with You above the storm.”
‘Yun na!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com