Saturday , November 16 2024

Ina utas sa taga ng anak na may saltik (Stepfather kritikal)

NAGA CITY – Nalagutan ng hininga ang isang ginang makaraan pagtatagain ng kanyang anak na may problema sa pag-iisip sa Sitio Sugod, Brgy. Bahao, Libmanan, Camarines Sur kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Helen Bautista, 50-anyos.

Ayon kay PO1 Sheryl Cristo, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang biktima at ang anak ni-yang si Alexis Reyes dahil tutol ang suspek sa pagsasama ng kanyang ina at nang bago niyang asawa na si Romeo Bautista.

Agad kumuha ng karit si Reyes at pinagta-taga ang kanyang ina hanggang mamatay.

Nakita ng dalawang anak ni Helen at Romeo ang insidente kaya agad nagsumbong sa kanilang ama.

Pagdating ni Romeo sa bahay, hindi na niya naabutang buhay ang kanyang asawa kaya si Reyes ang hinarap na humantong sa tagaan ng dalawa.

Nagkaroon ang suspek ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang si Romeo ay may matinding tama rin sa tiyan.

Agad isinugod sa ospital ang dalawa para sa atensiyong medikal.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *