Friday , November 15 2024

Motorcycle rider utas 2 malubha sa banggaan

PATAY ang isang 34-anyos lalaki habang dalawa ang malubhang nasugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Hindi na umabot nang buhay sa Bernardino General Hospital ang biktimang si Ramel Regala, ng 22 Pajo, Meycauyan, Bulacan, sanhi ng pinsala sa ulo at katawan.

Habang kapwa nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan ang nakabanggaan niyang si Mark John Ansuas, 28, at angkas na si Honey Belle Martinez, 17, kapwa residente ng Block 22, Lot 2, Brilliant View, Phase 2, Bagumbong Dulo, Brgy. 171, ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni PO3 Michael Calora, dakong 5:30 a.m. nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Bagumbong Road tapat ng VCM Hardware sa nasabing barangay.

Sakay si Ansuas ng Honda (8250-MJ) motorcycle, angkas ang pamangkin na si Martinez nang salpukin ang minamanehong motorsiklo (UH-1576) ni  Regala.

Dahil sa lakas ng salpukan, tumilapon ang mga biktima sa kalsada.

Salaysay ni Ansuas, patungo sila ng pamangkin sa Deparo Road nang biglang mag-counterflow ang biktima dahilan upang magsalpokan ang dalawang motorsiklo.

Patuloy na inaalam ng pulisya kung totoong lasing o nakainom ang namatay na biktima na naging dahilan ng banggaan.

Rommel Sales

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *