Friday , November 15 2024

Driver/bodyguard ng konsehal sugatan sa service firearm

SUGATAN ang isang driver/bodyguard ng konsehal nang aksidenteng pumutok ang kanyang service firearm habang tinatanggalan niya ng magazine kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala  ng kalibre .40 sa kanang tuhod ang biktimang si Chris John Joaquin, 33, driver/bodyguard  ni Malabon City Councilor Japs Garcia, at residente ng 11 C. Perez St., Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni PO1 Jose Romeo Geminal II, dakong 6:30 p.m. nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.

Tinatanggal ni Joaquin ang magazine ng bala ng  kalibre .40 service firearm ng aksidente itong pumutok at siya ay tinamaan sa kanang tuhod.

Rommel Sales

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *