MATINDING pag-iingat na yata ang ginagawa ngayon sa Pinoy Big Brother.
Aba, pati si Kuya ay halatang ingat na ingat na sa kanyang pagsasalita sa PBB House. Aware siyang any moment ay maipatatawag na naman sila ng MTRCB kapag hindi nila sinunod ang mga ipinataw na kondisyon during their meeting with MTRCB officials.
Matapos ang bromance between Bailey May Thomas and Kenzo Gutierrez, biglang pinalutang ang Kamille Filoteo and Kenzo Gutierrez romance. Talagang pinag-usapan ang namumuong romansa between the housemates. Kaya lang, may problema dahil nagwala na naman ang mga tao sa social media dahil nga may boyfriend at may anak na si Kamille.
Biglang kumambiyo si Kuya at pinagsabihan si Kamille na tigilan na ang pakikipagromansa kay Kenzo lalo pa’t may karelasyon siya.
“nakatatawa na ang ABS-CBN ay ibinaling ang sisi sa mga netizen na umano’y nagbibigay daw ng malisya sa mga ginagawa ng housemates sa loob ng Bahay ni Kuya. naghuhugas kamay sila samantalang sila itong inilagay ang mga kabataang ito matapos nila itong supposedly ini-screen at evaluate bago napili na pumasok sa PBB house. dapat sa screening pa lang ay ginawa na nila ang nararapat, pinili ng maayos ang mga participant na siyang tunay na magre-represent sana ng kabataang pinoy tulad na kanilang ina-advertise. kaya lang alam naman ng buong bayan na they are ONLY after the ratings and kikitain from live streaming subscription as well as commercial loads ng SHOW. it’s a showBUSINESS after all, PBB has become their talent search program kaya puro lamang scripted at arte at controversies ang priorities nila. the mere fact na inilagay nila sa harap ng mga cameras na batid nilang papanoorin ng maraming tao ang mga kabataang ito na edad ay nagsisimula ng edad dose anyos, inilalagay nila ang mga ito sa paghuhusga ng mga manonood. paghuhusga kunsaan maari nila itong sabihing mabuting tularan o hindi dapat tularan. ngunit, so far tila inililihis nila ang isyu at sisi at ayaw nilang akuin,” mahabang aria ng fan na lumabas sa isang web portal.
Amen!!!
UNCUT – Alex Brosas