Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiray Celis, may tampo sa ABS CBN?

 

00 Alam mo na NonieNABANGGIT ni Kiray Celis na handa siyang lumipat kahit saang TV station na magbibigay sa kanya ng magandang offer. Ngayo’y wala siyang show sa ABS CBN at sa TV5 siya may regular na work. Wala na raw siya sa youth oriented show na Luv U kaya nagpapasalmat siya sa Kapatid Network.

“Kaya natuwa naman ako na nakasali ako rito sa #ParangNormal Activity. Actually guest lang ako dapat dito na naging main cast na rin. Kasi nga si Direk Perci (Intalan) is nakasama ko na sa last Shake Rattle and Roll.

“Hindi ako nawawalan ng raket, e. Kasi kumakanta ako at sumasayaw, at nagho-hosting na ako. Kaya natutuwa naman ako.

“Kapag tinatanong nga ako, ‘Buti pinayagan ka nila?’ Bakit naman hindi? Eh wala naman akong ginagawa sa kanila, ‘di ba? ‘Tsaka mas maiinis pa ako kung wala na nga kong ginagawa, tapos pagbabawalan pa nila ako,” esplika ni Kiray.

Aminado rin si Kiray na naiinggit siya sa ibang artists ng Star Magic at nasabi rin niyang hindi siya nakakontra sa Kapamilya Network. “Actually hindi ako nakakontrata sa kanila. Sa Star Magic, oo. Pero sa ABS, kasi mayroong kontrata na kahit wala kang ginagawa binabayaran ka nila at sinusuwelduhan ka nila. Hindi ako ganoong artista, e.”

Bakit ‘di ka kasali sa ganoon? “’Di po ako pinapirma. Siguro hindi ako ganoon kaimportante para papirmahin,” nakatawang sagot ni Kiray.

Nasaktan ka ba roon? “Hindi naman, pero naiinggit ako,” nakatawang tugon pa niya.

Pakiramdam mo ba parang ipinamimigay ka ng ABS CBN sa TV5 dahil dito may project ka, pero sa kanila ay wala?

“Alam mo, kung saan may project, kahit saang estasyon kapag mayroong nag-offer sa akin na puwede akong makabili ng bahay, lilipat ako kahit saan. Sinabi ko ‘yan sa mama ko. Like… it’s not about fame, it’s about money, e. Like, nagagawa ko ito kasi gusto ko. Pero, pera-pera rin talaga, e,” seryosong pahayag niya.

So, praktikal lang? “Oo naman, kasi hindi na ako yung gusto kong sumikat ako, hindi na yung ganoon eh. Hindi naman sa malaki na yung ulo ko, na feeling ko sikat na ako. Pero hindi yon yung kailangan ko, hindi yun yung purpose ko kaya pumasok sa industry na ‘to.

“Pumasok talaga ako rito para makatulong sa pamilya ko. Like, iyon yung una kong rason at iyon pa rin yung rason ko hanggang ngayon,” saad pa niya.

Kasama ni Kiray sa #ParangNormal Activity sina Ella Cruz, Ryle Paolo Santiago, Andre Garcia, Shaun Salvador, Eunice Lagusad, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …