Sunday , December 22 2024

Employer na tatakas sa 13th month pay parusa pabibigatin

HINILING na pabigatin ang parusa sa mga employer o kompanya na hindi magbibigay ng mandatory 13th month pay sa mga manggagawa.

Ito ang laman ng inihaing House Bill No. 4196 ni Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez.

Sa ilalim ng panukalang batas, pagmumultahin nang tatlong beses katumbas ng 13th month pay ng manggagawa ang lalabag.

Maaari rin makulong ng tatlo hanggang anim taon, depende sa magiging desisyon ng hukuman.

Batay sa umiiral na batas, mumultahan ng P1,000 hanggang P10,000 at kulong na isa hanggang tatlong taon ang mapatutunayang may paglabag.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE), nakatatanggap pa rin sila ng mga reklamo mula sa ilang manggagawa na hindi nabibigyan ng 13th month pay na iniutos sa ilalim ng Presidential Decree No. 851.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *