Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ella, umaarangkada sa TV5 kahit ipinahiram lang ng Dos

 

00 SHOWBIZ ms mMASUWERTE pa rin itong si Ella Cruz dahil kahit wala siyang project sa ABS-CBN, umaarangkada naman siya sa TV5. Pagkatapos kasi niyang makasama sa Wattpad Presents: Hot and Cold, kasama naman siya sa #ParangNormal Activity.

Bale ipinahiram muna ng ABS-CBN si Ella sa TV5. Si Ella ang solong babaeng bida sa horror-comedy show na nagsimula nang mapanood noong sa July 11, 8:00 p.m..

Ang #ParangNormal Activity ay masasayang adventures at misadventures ng mga barkadang tututukan sa TV—ang mga nakaaaliw at cute na mystery-solving kids. Tungkol kasi ito sa apat na magkakaibigang miyembro ng Paranormal Club na lulutas ng mga misteryo sa kanilang paaralan. Makakalaban nila ang iba’t ibang supernatural creatures at mga elementong tulad ng multo, manananggal, zombie at iba pa. Pero ang twist, ghost din pala ang isa sa mga bida.

Ginagampanan ni Ella ang katauhan ni Charlie, isang matalino, charming at friendly ghost na tutulong sa grupo para malutas ang mga kababalaghan habang tinuturuan sila kung paano mas maiintindihan ang mga kakaibang elementong nakakasalamuha nila.

Ayon kay Ella, ibang-iba ang role niya sa #ParangNormal Activity kompara sa Bagito ng ABS-CBN na ginagampanan niya ang papel ni Vanessa.”Balik-wholesome po ako rito. At ang tindi ng costume requirements ko kada taping, lagi akong naka-school uniform,” kuwento ni Ella.

Nagpapasalamat si Ella na tuloy-tuloy siyang binibigyan ng project ng TV5 gayundin sa tiwalang ipinagkakaloob sa kanya ng team nina Perci Intalan at Jun Lana ng The Idea First Company.

“Hindi ako taga-TV5 pero ikinonsidera pa rin nila ako. I’m really happy to be working with them,” giit pa ni Ella.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …