Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Foreigner na MERS carrier magaling na — DoH

MAAARI nang makalabas sa quarantine ang dayuhan mula sa Middle East na naging carrier ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus (MERS-COV) pagdating sa Filipinas.

Ayon sa Department of Health (DoH), sa darating na weekends ay madi-discharge na sa ospital ang naturang 34-anyos  foreigner, makaraan mag-negatibo sa virus.

Gayonman, ang nakasama niyang isang 32-anyos babae ay mananatili sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa para kompletohin ang 14-day quarantine period.

Nitong Lunes inilinaw ni DoH Secretary Janette Garin na mahigpit nilang mino-monitor ang MERS-COV patient sa RITM.

Malakas din aniya ang immune system ng pasyente kaya nasa recovery process agad.

Unang naramdaman ng dayuhan ang mga sintomas ng MERS noong Hulyo 2, at isinailalim sa pagsusuri noong Hulyo 4.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Task Force Kasanag

Task Force Kasanag naghain ng reklamong plunder at graft laban sa mga opisyal ng NIA at mga kontratista; Dating mga opisyal ng DPWH kinasuhan din

QUEZON CITY — Inanunsyo ng Task Force Kasanag (TFK), sa pangunguna ni Dr. John J. …

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …