Thursday , December 26 2024

Baloloy, Limlingan bakit hindi pinalulutang ni Binay?

00 bullseye batuigasBAKIT nga ba hanggang sa kasalukuyan ay hindi inuutusan ni Vice Pres. Jejomar Binay ang kanyang mga tauhan na sina Eduviges “Ebeng” Baloloy at Gerry Limlingan na lumutang?

Para sa inyong kaalaman, itong si Baloloy ay malayo umanong kaanak ni Binay na nanilbihang personal secretary mula pa nang italagang OIC-mayor ang kanyang amo.  Kahit abogado pa lang si Binay ay alalay na umano niya itong si Baloloy.

Si Limlingan ay matagal na umanong kaibigan, financial officer at bagman ni Binay.

Ayon kay dating Vice Mayor Ernesto Mercado ay nagde-deliver umano siya noon ng mga kickback para kay Binay mula sa contractors na nakakuha ng proyekto sa Makati.

Ang tumatanggap nito ay sina Baloloy, Limlingan at ang ngayon ay Makati Mayor Junjun Binay. Ang tinatanggap daw ni Baloloy ay para sa “personal use” ni Binay, kay Limlingan ay para sa pondong pangkampanya, at kay Junjun ay para gamitin ng pamilya nila.

Sina Baloloy at Limlingan ay nakatalang beneficiaries umano sa bank account ng isang construction company na nakakuha ng mga proyekto sa Makati na hindi bababa sa halagang P180 milyon. Ito ang ibinunyag ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa petisyon nito kaya pina-freeze ng korte ang 242 bank accounts na may kaugnayan kay Binay.

Maliwanag pa sikat ng araw na sina Baloloy at Limlingan ay malapit kay Binay at pinagkakatiwalaan niya. Tiyak na batid nila ang lahat-lahat kaugnay ng yaman ni Binay.Ang masaklap ay wanted sa Senado ang dalawang ito pero hindi sila nagpapakita at hindi rin mahagilap upang kuwestyonin sa kanilang mga nalalaman.

Ayon kay Sen. Antonio Trillanes ay sumibat na ang dalawang ito palabas ng bansa sa kasagsagan ng mga alegasyon ng katiwalian laban sa kanilang amo.

Ayon sa Bureau of Immigration ay walang rekord na lumabas ng bansa sina Baloloy at Limlingan. Pero inamin din ng tagapagsalita ng BI na si Elaine Tan na ang sakop nila ay mga pormal na “ports and exits” ng bansa. Posible raw na nang hindi dumaan sa BI ang dalawang ito.

Ilang ulit nang inimbitahan si Binay sa mga pagdinig ng Senado para magpaliwanag sa isyu ng iregularidad pero hindi siya nagpaunlak. Ang katwiran niya ay paninira lang ito upang masira ang balakin niyang tumakbo para pangulo ng bansa.  At kahit pinaghahanap ng Senado sina Baloloy at Limlingan ay hindi niya ito pinalulutang sa mga pagdinig para magpaliwanag.

Ang puna ng iba, kung walang itinatago si Binay ay matagal na itong humarap sa Senado.

At kung totoo ang hinala nila na sina Baloloy at Limlingan ay hindi lumilitaw dahil sa utos ni Binay, mga mare at pare ko, ay hindi masisisi sakaling marami ang mawalan ng tiwala sa VP.

Tandaan!

***

PUNA: “Yes, po. Dati hanga ako kay Bise Binay dahil nagustuhan ko malaking pag-unlad ng Makati sa time niya. Pero sa ngayon, dahil hindi na marunong sumunod sa batas ay out na siya sa akin. Tama lang iwan na siya.”

***

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *