Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

#Pope-pular, malapit sa puso ni Vince

 

“I had an epiphany. I was telling myself, ‘Dapat ito na lang ang gawin ko.’ I said I should do this not only for my art but also for my humanity,” ani Vince Tanada.

Naging daan ang pagsunod ni Vince sa motorcade ni Pope Francis para maisip niyang gawin ang #Pope-pular, ang latest musical niya.

Kasama ni Vince, president and artistic director ng Philippine Stagers Foundation, ang kanyang anak at nag-aalala siya na baka magkasakit ito. Pero sinabihan siya ng mga tao na ‘wag mag-alala at hindi nga nagkasakit ang kanyang anak.

With that, he felt the need na gawin ang #Pope-pular.

“I was there for eight hours. Nagdala ako ng sasakyan pero hindi na ako nakapasok, hanggang dito na lang ako sa Nagtahan Bridge. Kasi baka ‘ika ko magkasakit. Sabi naman ng kasabay namin, ‘Hindi siya magkakasakit.’ True enough, hindi nga siya nagkasakit,” chika ni Vince sa amin.

At dahil bahagi na ng kanyang advocacy ang patriotism, isinama ni Vince sa musicale ang”stories from various modern-day Filipino heroes who are all fanatics of the Pope.”

Kabilang sa inspiring stories ang buhay nina Joey Velasco, isang painter; Kristel Mae Padasas, ang volunteer na namatay habang nagmimisa ang Pope; Dr. Edgardo Gomez, isang scientist who protects coral reefs; Ronald Gadayan, isang honest na janitor na nagsauli ng P1.8-M cash and jewelry; at si PO1 Mark Lory Clemencio, SAF member na namatay sa Mamasapano encounter.

“Pinuntahan ko lahat ng mga pamilya nila. So ito, it’s not really just about the Pope but more about individuals united in their excitement about the Pope coming to Manila,” say ni Vince.

Panoorin ang #Pope-pular sa July 11-13, SM North Esda Cinema 9; July 18, SM Centerpoint Cinema 1; July 24, World Premier at the Adamson University at 4 p.m.; at July 25-26 sa SM Centerpoint Cinema 1.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …