PATULOY na pinaghahanap ang isang 10-anyos batang lalaki makaraan tangayin nang malakas na agos ng tubig habang naglalaro sa gilid ng ilog sa kasagsagan nang malakas na buhos ng ulan kamakalawa ng umaga sa Caloocan City.
Kinilala ang batang nawawala na si Gerald Borla, ng Anonas St., Brgy. 178, Camarin ng nasabing lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong 11 a.m. nang tangayin nang malakas na agos ang biktima na naglalaro sa gilid ng Durian River ngunit biglang tumaas ang tubig dahil sa malakas na pag-ulan.
Ayon kay Imidio Samonte, Assistant executive officer ng nasabing barangay, naglalaro si Borla kasama ang anim pang kapwa bata nang biglang tumaas ang tubig at tinangay ng agos ang biktima.
Isinusulat ang balitang ito ay patuloy ang paghahanap ng search and rescue team ng Caloocan City Hall.
(ROMMEL SALES)