Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-uugnay kina Kamille and Kenzo, pilit na pilit

 

070915 kamille Kenzo

MATAPOS batikusin ng kaliwa’t kanan sa social media dahil sinisi nila ang netizens sa bromance issue nina Kenzo at Bailey, ang Kamille-Kenzo love angle naman ang ipinu-push ng Pinoy Big Brother.

Pilita Corrales (pilit) ang nilulutong tambalan nina Kamille and Kenzo dahil alam naman ng marami na mayroong karelasyon at anak si Kamille. With that ay nagmukhang trying very hard ang show dahil alam naman ng social media people na ginagawa lang ang Kamille-Kenzo love team para mabaling sa kanila ang atensiyon at makalimutan na ang Bailey-Kenzo bromance.

Nagwala ang netizens nang sisihin sila ng Dos sa statement na inilabas ng ABS-CBN wherein sinabi nitong binigyan ng malisya ng mga tao sa social media ang closeness nina Bailey and Kenzo. Binatikos din sa statement ang netizens for bullying the two.

Dahil diyan, tinanggal nila ang livestreaming coverage nila ngPBB. Actually, ginawa na lang nilang scapegoat ang netizens matapos silang ipatawag ng MTRCB dahil sa sari-saring reklamo sa show nila.

Ngayon, ang paandar naman ng Dos ay mayroong petition ang fans para ibalik ang livestreaming ng PBB. A certain Pepsi Punk daw ang nagpasimula ng petition na ito sa popular website na Change.org.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …