Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga hinaing ng La Salle sinagot ng Sports Vision

 

070615 shakeys v league

MULING iginiit ng organizer ng Shakey’s V League na Sports Vision na sinikap nitong imbitahan ang De La Salle University upang sumali sa second conference ng liga na magsisimula sa Sabado sa The Arena sa San Juan .

Sa lingguhang forum ng Philippine Sportswriters Association (PSA) kahapon sa Shakey’s Malate, sinabi ng pangulo ng Sports Vision na si Ricky Palou na matagal ang pag-uusap nila ng team manager ng Lady Spikers na si Raffy Villavicencio tungkol sa plano sanang pagbalik nila sa liga.

Naunang sinabi ng coach ng La Salle na si Ramil de Jesus na dapat humingi ng paumanhin si Palou tungkol sa umano’y pagbabawal sa Lady Spikers na bumalik sa V League.

“Hindi ako naka-reply (sa text) kasi kako baka may invitation galing sa Sports Vision tapos dinala sa office… Pagdating ko doon, wala namang invitation, walang black and white na dumating sa office,” ani De Jesus sa panayam ng www.spin.ph. “Even ’yung director namin, wala namang nababanggit (about invitation). Sabi ko, ‘Eh ‘di wala. Wala tayong dapat sagutin dahil wala namang dumating na formal invitation. Kaya tahimik ang La Salle .”

Samantala, kahit wala ang La Salle ay tuloy pa rin ang pagbabalik ng V League sa Sabado kung saan lalaban ang UAAP champion Ateneo kontra University of Santo Tomas sa unang laro sa alas-12:45 ng tanghali.

Pangungunahan ni Alyssa Valdez ang Lady Eagles ngunit wala na ang ilan niyang mga kakampi tulad nina Denden Lazaro at Aereal Patnongon.

Maglalaban ang Far Eastern University kontra University of Batangas sa alas-tres at San Sebastian kalaban ang College of St. Benilde sa alas-singko.

Sa Linggo, Hulyo 12, maghaharap ang National University ang University of the Philippines sa unang laro, Technological Institute of the Philippines kontra De La Salle University-Dasmariñas sa ikalawang laro at Arellano kalaban ang Polytechnic University of the Philippines sa ikatlong sultada.

Sa nasabi ring PSA Forum ay inilunsad din ang Spikers’ Turf ng mga kalalakihan na magsisimula sa Hulyo 13.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Joanie Delgaco Kristine Paraon SEAG

Olympian rower Delgaco, Paraon nagbigay ng ika-26 na ginto ng PH

RAYONG, Thailand – Nilampasan nina rowers Joanie Delgaco at Kristine Paraon ang sarili nilang inaasahan …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …