Tuesday , March 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-asawa patay sa taga ng utol ni mister

ZAMBOANGA CITY – Patay ang mag-asawa makaraan pagtatagain ng kapatid ng mister sa loob ng kanilang bahay sa Barangay New Katipuna, Dimataling, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Kinilala ang mga biktimang si Belbestre Sumuso Pintor, 33, at misis niyang si Merlyn Dapanas, 28.

Batay sa report ng Police Regional Office (PRO-9), mismong ang bunsong kapatid ng lalaking biktima na kinilalang si Lemuel Pintor Sumuso, 28, ang responsable sa krimen.

Sinasabing sumugod sa bahay ng mag-asawa ang suspek na nauwi sa alitan hanggang pinagtataga ang mga biktima.

Agad binawian ng buhay ang mga biktima bunsod ng matitinding sugat sa kanilang katawan.

Napag-alaman ng pulisya, personal na galit ang motibo sa pananaga dahil dati nang may alitan ang suspek at ang mag-asawa.

Boluntaryong sumuko sa kanilang barangay chairman ang suspek dala ang ginamit niyang itak sa pananaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Task Force Kasanag

Task Force Kasanag naghain ng reklamong plunder at graft laban sa mga opisyal ng NIA at mga kontratista; Dating mga opisyal ng DPWH kinasuhan din

QUEZON CITY — Inanunsyo ng Task Force Kasanag (TFK), sa pangunguna ni Dr. John J. …

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …