BLAB! Talk! Sing?
Balitang talk show ang ipapalit sa Sunday All Stars ng Kapuso.
At ang magsasama-sama ray ay ang Songbird na si Regine Velasquez, ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas, at ang Reyna sa Puso ni Senator Chiz Escudero na si Heart Evangelista.
Pero sabi rin sa balita, mukhang isa sa tatlo ang hindi pa handa sa papasukin niyang papel—ang mag-host at magbalita ng mga intriga!
Si Regine raw ba ito?
Ang nabalitaan lang namin, ang pinaplano ni Regine together with husband Ogie Alcasid ay ang magtayo ng Christian band na makakasama nila sina Jaya at Arnell Ignacio.
Puwede naman siguro maging talk show host si Regine. Dahil isa siyang babaeng bakla. Style na lang niya how she will deliver the news about her colleagues!
Kung umokay naman si Ogie, why not!
HARDTALK – Pilar mateo