Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Heart Evangelista at Sen. Chiz, next year pa balak magka-baby!

 

021615 chiz heart

00 Alam mo na NonieBAKAS ngayon ang kaligayahan kay Heart Evangelista. Bunsod ito ng pagkakaroon niya nang maayos na career at sa pagi-ging masaya sa buhay may-asawa. May maha-lagang papel din sa magandang aura ngayon ni Heart ang pagkakaayos nila ng kanyang pa-rents.

Kamusta ang buhay may-asawa? “Very good, very-very happy. Iyong married life, nae-enjoy ko siya,” banggit ng Kapuso actress nang sadyain namin siya sa programa nilang Startalk sa tulong ni katotong Ronnie Carrasco.

Nasabi rin ni Heart na hindi siya nahirapang mag-adjust sa married life.

“Not at all, hindi nga ako nag-adjust actually, e. Siguro ganoon talaga kung pinakasalan mo ‘yung taong kasundo mo talaga. Kasi, hindi kami masyadong nag-adjust, very normal pa rin ‘yung relationship namin.

“Siguro, ‘yung the only thing na I’m learning is to cook and the responsibilities na kailangan kong gawin bilang isang asawa sa bahay. Mag-grocery, ganoon, magbilin (sa mga namamahala sa bahay).”

Naghahanap na ba siya ngayon ng manggang hilaw? “A, hindi pa. Ano pa yun, next year pa, end of next year pa,” nakangiting saad ni Heart.

Dagdag niya, “Ako, I like to plan things and I feel na may mga kaila-ngan pa akong gawin ngayon. Also aside from that is we just got married, so ini-enjoy pa namin yung mga hindi namin nagawa dati, ngayong kasal na kami.

“Bilang hindi rin naman kami as free as a married couple before we were married, so there are many things now that we can really do and enjoy together nang kasal na kami.

“So, I want to prolong that. Kasi the moment na magkaroon kami ng baby, forever na ‘yun.”

Ano ang paborito ni Sen. Chiz Escudero sa mga niluluto niya?

“Paborito niya? Yung ano ko, Arroz ala Cubana. Galing sa mommy ko kasi, siya nagturo sa akin. Pati yung polboron ko, favorite niya.

“Iyong ano rin, shrimp na itinuro rin sa akin ng nanay ko. Halos lahat kasi ng iniluluto ko, itinuro sa akin ng na-nay ko.

“Ano pa ba?” Saad niya habang nag-iisip. “Cake and yung salad, marami, iba-iba! Kahit nga breakfast, simpleng breakfast ay favo-rite niya rin yun.”

Basta luto ninyo, favorite ni Senator Chiz? “Yeah, basta luto ko. Pero ano naman din yun, honest din yun. Sa-sabihin niya sa akin kapag wala masyadong ano, pero so far so good.”

Nabanggit din ni Heart na sobrang supportive sa career niya ni Sen. Chiz.

“He’s very supportive in a way na hindi siya nakikialam. Ganoon din ako sa trabaho niya, hindi rin ako nakikialam. Hindi siya yung tipong seloso kahit sa roles o sa pagsuot ng damit, he’s very-very open minded and it work’s for me.

“That’s the same with me, I’m not very selfish with his time. Alam kong marami siyang kailangang gawin. So I guess, we both support each other, very much.”

Kung may eksenang kissing scene, okay lang ba kay senator ‘yun?

“Oh yeah, yeah, walang problema,” matipid na sagot niya.

Sinabi rin niya kung gaano siya kasaya nga-yon na nandiyan sa buhay niya si Senator Chiz, maayos ang career niya, at nagkaayos na sila ng kanyang parents.

“Sobrang saya ko to the point that I feel that one lifetime is not good enough.I need two lifetimes or even more to enjoy how beautiful my life is today,” nakangiting pagtatapos ni Heart.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …