Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PBA trades nagsimula na

020415 PBA

KAHIT hindi pa tapos ang PBA Governors’ Cup, nagsisimula na ang ilang mga koponan sa pagpasok sa mga trades para sa susunod na PBA season.

Kahapon ay inanunsiyo ng Globalport ang pagkuha nito kay Joseph Yeo mula sa Barako Bull kapalit ng isang first round draft pick sa 2016.

Habang sinusulat ito ay isinusumite pa ng kampo ni Mikee Romero ang nasabing trade sa opisina ni PBA Commissioner Chito Salud.

“Stanley (Pringle)-Terrence (Romeo) and Yeo ang big three natin. Yeo kapalit ni Omar (Krayem). Stanley and Terrence ang mga franchise player natin,” pagdeklara ni Romero sa Twitter account ng kanyang koponan.

Nag-average si Yeo ng 13.6 puntos, 3.2 rebounds at 4.8 assists para sa Barako na natalo sa quarterfinals kontra Rain or Shine.

Bago nito ay naglaro si Yeo sa Barangay Ginebra San Miguel sa Philippine Cup at Commissioner’s Cup.

Naunang nakuha ng Barako si Brian Heruela mula sa Blackwater kapalit ni Carlo Lastimosa ngunit may posibilidad na mapupunta si Heruela sa San Miguel Beer upang muling magkasama ni June Mar Fajardo na dati niyang kakampi sa University of Cebu sa CESAFI.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …