Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lady Eagles hahataw sa unang araw ng V League

 

070615 shakeys v league

MAGPAPASIKLAB ang defending UAAP champion Ateneo de Manila kontra University of Santo Tomas sa unang araw ng Second Conference ng Shakey’s V League Season 12 sa Hulyo 11 sa San Juan Arena.

Sa pangunguna ni Alyssa Valdez, llamado ang Lady Eagles kontra Tigresses sa unang laro sa alas-12:45 ng tanghali.

Ginabayan ni Valdez ang PLDT Home Ultera sa titulo ng Open Conference noong isang buwan at siya pa rin ang inaasahan ni coach Tai Bundit para sa Ateneo na winalis ang kalaban noong huling UAAP season.

Ang UST naman ay babanderahan ng mga kakampi ni Valdez sa national U23 team sa pangunguna nina Ria Meneses at Pam Lastimosa.

Sa ibang mga laro sa Hulyo 11, magtutunggali ang Far Eastern University at University of Baguio sa alas-tres ng hapon at San Sebastian College kontra College of St. Benilde sa alas-singko.

Kinabukasan, maghaharap ang National University kontra University of the Philippines sa alas-12:45, La Salle-Dasmarinas kalaban ang Technological University of the Philippines sa alas-tres at ang kampeon ng NCAA na Arellano University kontra Polytechnic University of the Philippines sa alas-singko.

Ang unang laro tuwing Sabado at Linggo ay mapapanood nang live sa GMA News TV Channel 11 habang ang iba pang mga laro ay mapapanood nang delayed mula Lunes hanggang Biyernes sa parehong istasyon simula ala-una ng hapon. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …