Monday , December 23 2024

Heruela na-trade sa Barako

 

070615 brian heruela

KAHIT parehong laglag na ang Blackwater Sports at Barako Bull sa PBA Governors’ Cup, maagang nagsimula ang paghahanda ng dalawang koponan para sa bagong PBA season sa pamamagitan ng one-on-one trade na inaprubahan kahapon ni PBA Commissioner Chito Salud.

Ayon sa ulat ng www.spin.ph, ibinigay ng Elite ang point guard na si Brian Heruela sa Energy kapalit ni Carlo Lastimosa.

Ngunit ayon sa isang source, hindi pa sigurado kung mananatili si Heruela sa Barako dahil may posibilidad na lilipat pa siya sa San Miguel Beer katulong ng isang sister team nito at ang Barako ay magiging conduit.

Nais kasi ni Fajardo na magsama silang dalawa ni Heruela sa Beermen dulot ng kanilang pagsasama noon sa University of Cebu sa CESAFI.

Nag-average si Heruela ng 10.6 puntos, 4.9 rebounds at 5.2 assists para sa Blackwater na nangulelat sa una nitong PBA season. (James Ty III)

About James Ty III

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *