Friday , November 15 2024

MBA kailangan sa CHR positions!?

00 Bulabugin jerry yap jsyMAHIGIT 50 daw ang aplikante sa pagiging commissioner ng Commission on Human Rights (CHR) at ang mapalad na naitalaga bilang bilang bagong CHR chairman ay si Comm. Chito Gascon dating spokesman ng Liberal Party.

Isa sa kandidato ang kapatid ni Sen. Koko  Pimentel na dating kumandidatong Senadora na si Gwen, si Leah Armamento na classmate ni Executive Secretary Jojo Ochoa at ang huli ay si Katrina Dumpit isang insider pero naintriga sa loob ng CHR dahil sa mga kuwestiyonableng biyahe umano sa labas ng bansa na hindi pa naiimbestigahan ng Commission on Audit.

Marami ang nagtatanong kung bakit itinaon na recess ang Congress nang pirmahan ng Presidente ang appointment ni Gascon.

Malinaw pa raw sa sikat ng araw na may politika sa pagkakatalaga sa kanya.

Ang isang posisyon na bakante ay parang parlor game na Trip to Jerusalem, nagkukumahog ngayon ang maraming aplikante sa isang natitirang upuan para mabuo ang board of commissioners sa CHR.

Lahat ng patron na Congressman at Senador, mga dikit sa Palasyo, may call-a-friend kay Pnoy.

Isang lumutang na nagkukumahog at interesado sa natitirang puwesto ang anak ni FVR.

Malakas ang ugong na dinadala nito ang pagiging anak ni Tabako.  Walang kuwestiyon kung  kuwalipikado, pero maraming human rights NGO ang napakunot ng noo.

Kailan ba matatapos sa bansa natin ang palakasan sa pagtatalaga sa mga sensitibong posisyon sa ating pamahalaan?

Akala natin ay natuldukan na ang ganitong sistema sa daang matuwid. 

Kailangan pa rin pala ng MBA sa gobyernong ito!?

MBA as in May Backer Ako!

Mikey Arroyo VIP treatment kay BI Comm. Siegfred Mison (Kahit walang ADO nakabiyahe!)

HANGGANG ngayon ay pinag-uusapan pa rin sa Bureau of Immigration (BI) kung paanong ‘nakalusot’  palabas ng bansa si dating representative Mikey Arroyo, anak ng nakahoyong ex-president na si Gloria Macapagal Arroyo, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) gayong hindi naman ito naisyuhan ng allow departure order (ADO).

Si Mikey Arroyo ay nahaharap sa kasong tax evasion at may hold departure order (HDO) ang court of tax appeal laban sa kanya.

Ibig sabihin, kung mayroon lamang mahigpit na pangangailangan papayagan si Mikey na makalabas ng bansa. At bago siya makalabas ng bansa, kailangan muna niyang mag-apply ng Travel Order mula sa korte at ADO mula sa BI-OCOM.

Nag-apply naman umano si Arroyo ng ADO sa BI-OCOM matapos makakuha ng travel order sa korte, pero kapos sa panahon.

Miyerkoles (Marso 25) pa lang daw ay napa-received na sa BI-OCOM ang request ni Mikee for ADO.

Pero dumating ang Huwebes at Biyernes (Marso 26-27) ay hindi pa napirmahan ang ADO dahil as usual every Thursday & Friday, cannot be located na umano si Mison noon.

(Naipagtanong-tanong na kaya ni PNoy kung bakit laging nawawala noon si Mison kapag Huwebes at Biyernes sa kanyang opisina?)

Back to Mikey, nabatid na pinayagan rin na makaalis si Mikey ng Immigration NAIA kasama ang kanyang asawa patungong Hong Kong noong Marso 29 na may connecting trips sa Italy, Germany at China, kahit walang ADO.

Ang inside info sa BI-NAIA, nag-CALL A FRIEND umano ang isang opisyal sa BI-OCOM para payagan makaalis si Mikey at TO-FOLLOW na lang ang ADO.

Sonabagan!

PRESTO, pinayagan na silang maka-GO!

Ang tanong: paano silang nakaalis ng Marso 29, ‘e ang ADO ni Mikey ay napirmahan lang ni Mison petsang Marso 31.

What the fact!?

Animal talaga ‘yang ‘CALL A FRIEND’ at ‘MYSTERY CALLER’ syndrome na ‘yan sa Bureau of Immigration!

Tsk tsk tsk… hindi kaya umabot sa Justice Department ‘yang SYNDROME na ‘yan?

Ultimo Malacañang o kahit si PNoy pa, kayang-kayang ipahamak ng ‘CALL A FRIEND’ at ‘MYSTERY CALLER’ syndrome na ‘yan!

Iimbestigahan mo ba ‘yang VIP treatment kay Mikee Arroyo, Madame SOJ Leila de Lima!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *