Wednesday , November 20 2024

Barbed wire at rehas sagot ni Mayor John Rey Tiangco sa daan ng mga  batang mag-aaral

navotas childrenWALA nang magawa ang mga kawawang maralita ng Navotas Fishport Complex nang saradohan, bakuran at nilagyan pa ng barbed wire ng pamahalaan ng Lungsod Navotas ang isang maliit na kalsada na nagsisilbing short cut na daan ng elementary students patungo sa kanilang paaralan.

What the fact John Rey Mayor Tiangco!?

Matatandaan na naging viral kamakailan sa social media ang video na ang mga pobreng estudyante sa elemantarya ay gumagapang at lumulusot sa isang kanal tagos patungo sa kalye o dili kaya ay aakyat sa hagdan para madaling makapasok sa kanilang eskuwelahan.

Anak ng tungaw! 

Wala bang alternatibong solusyon na ginawa ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Navotas, matapos nilang saradohan ang nasabing kanal at bakuran ng barbed wire?!

Malayo kasi ang lalakarin ng mga paslit na estudyante sa elementarya patungo sa kanilang eskuwelahan mula nang isara ang nasabing daan.

Delikado para sa batang paslit ang tumawid sa Road 10 na rumaragasa ang mga truck at sasakyan. 

Kung sasakay naman ng de-padyak o tricycle, kailangan gumastos ng bente pesos para sa pasahe ang bawat estudyante, na umiikot pa sa main gate ng Navotas Fishport Complex.

Ang mga paslit na mag-aaral na nakatira sa loob ng Fishport Complex ay mga anak ng batilyo o kargador ng isda, na kakarampot lang ang kinikita.

Sa pamamagitan lamang ng pagpapaaral sa kanilang mga anak ang kanilang nakikitang pag-asa upang makaahon sa karalitaan. Kaya kahit na maliit na halaga ay isinusubi nila para makapag-aral nang maayos ang kanilang mga anak.

‘E bakit taliwas ang tugon ng lokal na pamahalaan sa inaasahang serbisyo publiko ng mga taga-Navotas!?

Wala na bang positibong ayuda sa maliliit na mamamayan ng Navotas ang kanilang pamahalaan?

O baka naman talagang  walang pagkalinga ang Tiangco brothers sa mga Navoteño, kundi pamomolitika lang!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *