Friday , November 15 2024

Barbed wire at rehas sagot ni Mayor John Rey Tiangco sa daan ng mga  batang mag-aaral

00 Bulabugin jerry yap jsyWALA nang magawa ang mga kawawang maralita ng Navotas Fishport Complex nang saradohan, bakuran at nilagyan pa ng barbed wire ng pamahalaan ng Lungsod Navotas ang isang maliit na kalsada na nagsisilbing short cut na daan ng elementary students patungo sa kanilang paaralan.

What the fact John Rey Mayor Tiangco!?

Matatandaan na naging viral kamakailan sa social media ang video na ang mga pobreng estudyante sa elemantarya ay gumagapang at lumulusot sa isang kanal tagos patungo sa kalye o dili kaya ay aakyat sa hagdan para madaling makapasok sa kanilang eskuwelahan.

Anak ng tungaw!

Wala bang alternatibong solusyon na ginawa ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Navotas, matapos nilang saradohan ang nasabing kanal at bakuran ng barbed wire?!

Malayo kasi ang lalakarin ng mga paslit na estudyante sa elementarya patungo sa kanilang eskuwelahan mula nang isara ang nasabing daan.

Delikado para sa batang paslit ang tumawid sa Road 10 na rumaragasa ang mga truck at sasakyan.

Kung sasakay naman ng de-padyak o tricycle, kailangan gumastos ng bente pesos para sa pasahe ang bawat estudyante, na umiikot pa sa main gate ng Navotas Fishport Complex.

Ang mga paslit na mag-aaral na nakatira sa loob ng Fishport Complex ay mga anak ng batilyo o kargador ng isda, na kakarampot lang ang kinikita.

Sa pamamagitan lamang ng pagpapaaral sa kanilang mga anak ang kanilang nakikitang pag-asa upang makaahon sa karalitaan. Kaya kahit na maliit na halaga ay isinusubi nila para makapag-aral nang maayos ang kanilang mga anak.

‘E bakit taliwas ang tugon ng lokal na pamahalaan sa inaasahang serbisyo publiko ng mga taga-Navotas!?

Wala na bang positibong ayuda sa maliliit na mamamayan ng Navotas ang kanilang pamahalaan?

O baka naman talagang  walang pagkalinga ang Tiangco brothers sa mga Navoteño, kundi pamomolitika lang!?

Ejercito, Gomez at Zamora labo-labo na sa San Juan City?

DAHIL sa ambisyon na kopohin ang political power sa San Juan City, mukhang magaganap na ang pakakasira ng mga Ejercito (Estrada), Gomez at Zamora sa lungsod na kinakitaan ng malakas at matatag na alyansa ng dalawang angkan.

Mukhang hindi na nakayanan ni San Juan Vice Mayor Francis Zamora at ng kanilang pamilya ang naririnig nilang plano ng mga Ejercito (Estrada) at Gomez kung paano aangkinin ‘este hahatiin ang San Juan sa kanilang angkan.

Naulinigan daw kasi ni VM Francis na nagpulong na sina Mayor Guia Gomez, ang matandang Estrada at anak na si Jinggoy sa Camp Crame.

Sa Camp Crame umano niluto kung paanong pananatilihin ang 46-taon paghahari ng mga Estrada at Gomez sa San Juan.

Grabe ha!?

Kahit wala pang announcement ay kalat na kalat na umano sa San Juan na tatakbong muli ang 73-anyos na si Gomez, habang ang anak ni Jinggoy na si Councilor Janella Estrada ay tatakbong vice mayor at ang asawang si Precy ay tatakbong kongresista.

‘Yan daw siguro ang kahulugan ng pahayag ni Sen. JV Ejercito na siya at ang kanyang ‘estranged’ brother na si Jinggoy ay malapit nang magkasundo alang-alang sa isang strategic alliance para sa San Juan local elections.

Tsk tsk tsk…

Wala na ba talagang satisfaction ang extended clan pagdating sa kapangyarihang pampolitika?

Hindi ba sila napapagod sa ‘paglilingkod’ sa kanilang constituents!?

‘E tigas pang ipinagmamalaki ni Sen. JV na siya raw ang author ng anti-political dynasty bill sa Senado kaya imposible raw na magtayo sila ng dinastiya sa San Juan…

(E 46 taon na nga kayong namamayagpag d’yan sa San Juan ‘di ba?)

What the fact!?

Pero ayon kay Sen. JV, si VM Zamora raw ang nagpapahayag na tatapatan niya si Ma-dam Guia sa 2016 elections.

At ito raw ay inililihim pa ng mga Zamora?!

OMG!

Ibig bang sabihin nito ay maghahalo na ang balat sa tinalupan sa San Juan?!

Ito na ba ang hudyat ng digmaan sa politika sa San Juan?

Mantakin ninyo, kopong-kopo na ang San Juan, pati Maynila ay dinayo pa?

Subukan n’yo naman tumakbo sa Quezon City o kaya sa Pasay city naman?

Totoo talaga ang kasabihang, ang politika ay showbiz na showbiz talaga, walang permanenteng kaaway… at higit sa lahat huwag din magtiwala sa kaibigan.

Hik hik hik…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *