LAZADA.PH nag-deliver ng pekeng item sa consumer (Attention: DTI)
Jerry Yap
July 3, 2015
Bulabugin
NADESMAYA ang isang Bulabog boy natin sa huling karanasan niya sa Lazada online shopping.
Dahil sikat, pinili niya ang LazadaPh para umorder ng isang sikat na brand ng eyewear/sunglasses.
Una nadesmaya siya dahil kailangan daw niya magbayad ng Customs fee. Siyempre nagreklamo siya dahil hindi naman nakalagay sa website na kailangan pala niyang magbayad ng Customs fee.
Kaya noong ini-deliver sa kanya, hayun sinabi hindi na niya kailangan magbayad ng Customs fee.
Natuwa naman siya para mabuwisit lang ulit dahil PEKE ang ipinadala sa kanyang Ray Ban sunglasses.
Anak ng tokwa!!!
Agad siyang tumawag sa Customer Service, ipadadala raw ‘yung return form.
Naghintay naman siya pero hanggang ngayon, wala pa ring nakararating sa kanyang return form.
What the fact!!!
Bakit hinahayaan ng LazadaPh na magkaroon sila ng supplier na PEKE ang ipinadadala sa kanilang customers?!
Ang Lazada po ay isang online shopping network. Wala naman talaga sa kanila ang item, mayroon silang members na supplier ng iba’t ibang items.
P’wedeng sila ay maliliit na tindahan, boutique o bazaar na mas mababa ang presyo sa mga department store pero siyempre babayaran ng consumer ang shipping cost.
Ang pinag-uusapan dito sa online shopping unang-una dapat guaranteed ang produkto at serbisyo; ikalawa, nakatitipid sa oras ang consumer, hindi na niya kailangan pumunta sa mall, ligtas pa sa bisyong shopaholic; at ikatlo, sigurado ngang original ang item.
Pero hindi ganito ang naranasan ng bulabog boy natin sa Lazada. Na-stressed lang siya dahil nabuwisit at nagalit na siya.
Actually, pwede naman itong ireklamo sa DTI, pero lalo lang mai-stress ‘yung consu-mer dahil tiyak pipila siya nang mahaba, magpi-fill-up ng complaint form etc.
Pero in the end, ano ang magiging resulta? Ibabalik ‘yung pera niya, papalitan ang pekeng item ng original?
Simple lang po ang gusto ng Bulabog boy natin, bilisan ng LAZADA ang pag-aasikaso kapag may nagrereklamong consumer dahil nagtiwala nga sa kanila kaya bumili. Nagpa-dala ng pera kahit wala pa ‘yung item, ‘di ba? Kasi hindi naman ide-deliver ‘yan kung wala pang proof of purchase.
Maliwanag na pang-aabuso ‘yan sa tiwala ng consumer. Ilan kaya ang nabibiktima nang ganyang sistema, na ‘yung iba ay hindi na lang nagrereklamo dahil panibagong abala nga.
Paging DTI, pakibusisi nga ang transaksiyones ng LAZADA!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com