Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The Breakup Playlist, Graded A ng CEB

 

042115 Sarah Geronimo piolo pascual

00 SHOWBIZ ms mHINDI kataka-takang nabigyan ng Graded A ng Cinema Evaluation Board ang kauna-unahang pelikulang pinagtatambalan nina Piolo Pascual at Sarah Geronimo, ang The Breakup Playlist dahil sa teaser pa lang, panalo na ang istorya at pagganap ng dalawa.

Sa pagsasama ng dalawa, sinasabi at pinaniniwalaang ito ang magiging pinakamalaking romantic movie ng season. Bakit naman hindi? Ang sumulat ng istoryang ito ay mula sa isang magaling na manunulat at iginagalang na director na ring si Antoinette Jadaone, na nakilala bilang breakout romantic-comedy director.

Sa pelikulang ito ng Star Cinema na mapapanood na ngayong araw, July 1, mamarakahan ng The Breakup Playlist ang directorial debut ng award winning na director na si Dan Villegas na isa rin sa pinamahuhusay na cinematographer ng Star Cinema.

Ang The Breakup Playlist ay isang love story na umiikot kina Gino (Pascual) at Trixie (Geronimo). Si Gino ay isang bokalista sa isang banda na ni-recruit ang law student na si Trixie upang maging singing partner. Ang electrifying chemistry nila sa entablado ay humantong sa real-lire romance at sila ay naging magkasintahan. Subalit dala ng insecurities ni Gino, napilitan si Trixie na iwan ang banda. Roon nagkaroon ng hindi magandang pagsasama ang dalawa. Kung ano pa ang mangyayari, iyon ang dapat nating alamin.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …