Sunday , December 22 2024

Pinay drug convict sa Malaysia ligtas na sa bitay

NAKALIGTAS sa kamatayan ang Filipina na nakakulong sa Malaysia dahil sa pagpuslit ng ilegal na droga.

Hindi na bibitayin si Jacqueline Quiamno makaraan magdesisyon ang pardon board ng Malaysia na iklian ang sentensiya sa Filipina.

Ayon sa embahada ng Filipinas sa Malaysia, makukulong na lamang ng habambuhay si Quiamno na nahuli sa pagpuslit ng limang kilo ng cocaine sa airport sa Kuala Lumpur.

Ito ay kasunod ng hiling na clemency ng Filipinas at ng pamilya ni Quiamno.

Si Quiamno ay inaresto noong 2005 at noong 2010 ay napatunayang guilty ng korte.

Nagpasalamat ang embahada ng Filipinas sa sultan ng Selangor state at sa Selangor Pardons Board sa pagbibigay ng konsiderasyon sa apela ng Filipina.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *