Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kotong cops lagot kay Sec. Mar Roxas at Director Valmoria

00 rex target logoLIMANG pulis cum kolektor ng payola na guma-gamit sa tanggapan ng NCRPO R2 ang ipinahuhuli ngayon ni DILG Secretary Mar Roxas makaraang lumutang ang mga pangalan ng nasabing mga pulisan (pulis na tulisan) na aktibo ngayong umiikot sa mga night club, sauna parlors, gambling at drug dens.

Kinilala ng sources ng TARGET ang mga pulisan na sina JEFF HALIB aliasWally Nazareno, ROQUE alias Sgt. Sablay, WILLIAM CAJAYON alias Gemini, VER PARAON alias Virgo at MILO ASPELET alias PNP kolektor Brothers.

Ang lima umano ang sumasalok ng intelihensiya para sa NCRPO R2. Makaraang makarating sa tanggapan ni Sec. Roxas ang impormasyon, inatasan si NCRPO Director Carmelo Valmoria para magsagawa ng isang dragnet operation para sa paglambat sa mga tiwaling miyembro ng pu-lisya.

Malaking bahagi umano ng nakukuhang intelihensiya ng limang pulis ay mula sa illegal vices at droga.

May lingguhan din umanong koleksiyon mula sa mga club, karaoke joints at mga sauna bath na front ng putahan.

Nauna nang sinabi ni outgoing NCRPO Director Valmoria na walang sino mang pulis ang kanyang inatasan para sa mga ganitong ilegal na gawain.

Hindi umano kinukunsinti ni Valmoria ang anomang illegal activities sa area of jurisdiction ng kanyang police command.

Galit na galit si Valmoria sa mga pulis na nagsisilbing ‘protector’ ng mga ilegal lalo sa illegal drugs.

Binalaan din ni Director Valmoria ang lahat ng establishment owners sa NCR gaya ng mga night club at sauna bath parlors na huwag na huwag magbibigay sa mga nasabing police scalawags dahil walang katotohanan na sila ay inatasang mangolekta ng payola mula sa ilegal.

“Walang opisyal ko rito sa NCRPO ang puwedeng gumawa at mag-utos nang ganyan dahil alam nilang kakasuhan ko sila at ipaaaresto kapag napatunayang tumatanggap sila ng protection money mula sa mga ilegalista,” pahayag sa target on air sa DWAD 1098 khz ni Director Valmoria.

Hiniling ni Valmoria na agad makipag-ugna-yan sa kanyang tanggapan sakaling dumalo sa kanilang lugar ang mga nagpapakilalang police cum collectors.Samantala, isa pang pulis na kinilalang si alias ROCKY ang nangongolekta naman para kay Southern Police District (SPD) Director, General Henry Ranola.

Isang  masibang SPD  Trajano umano ang kapustahan ni ROCKY diyan sa SPD.

Ayon sa ating mga source na si GANI MELLIA, si ROCKY ang pinalad na manalo sa bidding para maging opisyal na kolektor ng payola diyan sa Southern Metro.

Nagawa umanong isaka o itaas ni ROCKY ang weekly collection ng payola para sa SPD na nga-yon ay tumataginting na P320 thousand linggo-linggo kompara sa panahon noon ng isang alias DIZON na dating bagman ng SPD na P270K lamang ang linggohang engreso.

Ipinababatid din po ng pitak na ito kina DILG Secretary Mar Roxas at NCRPO Director Valmoria ang panggigipit na ginagawa nitong si ROCKY sa mga may-ari ng night entertainment businesses sa Southern Metro.

Dalangin nila na supilin at putulin ang sungay ng pulis na si ROCKY sa kanyang walang patumanggang pangongolekta ng tarya o intelihensiya.

Finorward na rin natin kay Director Valmoria ang raw information na ito for his immediate evaluation and course of action.

Bahala na po kayo riyan Director Valmoria idol.

Batid po ng sambayanan na hinding-hindi n’yo kukunsintihin ang mga ganitong asal ng ilang sa inyong mga tiwaling tauhan.

Mabuhay and God Bless Director Carmelo Valmoria sir!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …