Wednesday , January 8 2025

DMCI wagi na naman sa Palawan Coal Plant?!

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG buenas talaga sa ilalim ng daang matuwid ang DMCI.

Nakakuha na kasi ang DMCI Power Corp., ng Strategic Environmental Plan clearance mula sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) para makakuha ng environmental compliance certificate (ECC) mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ibig sabihin, sa kabila ng pagtutol ng ilang grupo ng mga residente at environmentalists sa Palawan, isang hakbang na lang ay maaprubahan na ang 15-megawatt coal-fired power plant na target itayo sa coastal village ng San Isidro sa bayan ng Narra.

Mismong si Palawan Governor Jose Alvarez ay hayagang nangangampanya at sumusuporta sa nasabing proyekto.

Ayon kay Tourism Secretary Ramon Jimenez, lubhang mapanganib ang proyektong ito sa preserbasyon ng mga likas na yaman sa lalawigan ng Palawan.

Imbes coal-fired power plant, inirerekomenda ni Jimenez ang renewable energy batay na rin sa mungkahi ng DENR.

Ganito rin ang naging posisyon ng Palawan Alliance for Clean Energy (PACE).

Hinikayat din ng PACE ang provincial government na ipatupad ang energy master plan para mapunuan ang power requirements na kinakailangan ng Palawan.

Nakalulungkot na mukhang mababalewala ang effort ng mga taga-Palawan para biguin ang nasabing proyekto dahil mukhang mas malakas ang DMCI sa gobyernong may ‘daang matuwid.’

Ano kaya ang birtud ng DMCI at halos karamihan ng malalaking proyekto sa gobyerno ay nakokopo ng nasabing kompanya?!

Aba, kung laging papaboran ng administrasyon ang DMCI para makakuha ng proyekto sa gobyerno’e gusto nating tanungin, ano na ba ang nangyayari sa Philippine National Construction Corporation (PNCC)?! Bakit ibinuro na lang ito sa ilalim ng DTI?!                

Tsk tsk tsk…

Transport service niluwagan na sa NAIA 

INAASAHAN ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na maraming transport operators ang mahihikayat na magserbisyo ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang alisin na sa processing applications bilang unit requirement ang Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Bagama’t late April pa pormal na nilagdaan, nito lamang nakaraang dalawang linggo ipinagbigay-alam ng MIAA sa airport transport providers ang pagbabago sa processing of airport taxi applications with the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa pamamagitan ng Department of Transportation and Communications (DOTC), nagpalabas ng Department Order 2015 – 008 na nagtatanggal sa probisyon mula sa Department Order 2012 – 12 na nakasaad, “airport metered taxis must be powered with LPG.”

Meaning to say, totally wala na ang dating requirements. Hindi na kailangan magpakabit ng LPG tank sa taxi unit ng transport operator para mabigyan ng pahintulot na makapag-operate sa NAIA.

Bagama’t, it took three long years bago ma-realized ng mga namumuno ng LTFRB at MIAA na puwede naman palang makapasok sa airport ang taxi unit kahit ‘di i-convert sa LPG at hindi na sila pinahirapan sa proseso ang mga pobreng transport operator.

Ito ang naging reaksiyon ng mga lehitimong transport concessionaire ng NAIA matapos makarating sa kanilang kaalaman ang pagbabago sa proseso ng aplikasyon ng mga transport service provider ng premier airport.

Ang tanong nga ng ilang transport concessionaire ng NAIA, mukhang may nasilip ang mga Sparkling boys ng MIAA na pinaniniwalaang nag-lobby para maalis ang probisyon.

Ganoon pa man, MIAA General Manager Jose Angel Honrado said that the recent change in taxi applications will eventually lead to more airport taxis servicing passengers at the Ninoy Aquino International Airport.

”MIAA welcomes this recent move by the DOTC. Not only will operators find it easier now to process their applications but passengers can also expect more airport-accredited taxis in the terminals in the months to come,” ani Honrado.

Residente ng Summer Pointe Subdivision walang proteksiyon sa pamunuan ng homeowners association?

Ako po ay nagrereklamo sa hindi makataong pagpapaalala ng mga opisyal sa mga homeowners na hindi pa nakapagbabayad ng monthly dues sa aming subdivision (SUMMER POINTE RESIDENCES, Pasong Buaya II, Imus Cavite). Ipinaskil nila sa gate ‘yung mga pangalan ng mga homeowners. Hindi ko alam kung sino sa mga opisyal ng homeowners ang nagpaskil. Violation of human rights ang ginawa nila. Maaari naman silang magpaalala sa pamamagitan ng pagbibigay ng sulat o puntahan nila mismo sa bahay ang mga homeowners. Paano pa gaganahan magbayad ang mga tao niyan kung ipinihiya na nila sa publiko? Pati ang pag-uusap naming magkakapitbahay e pinapakialaman. Nag-uusap kami noong isang gabi sa gate nang biglang may dumating na matabang babae at tinanong kung anong pinag-uusapan namin? Kung makaasta ‘e parang pag-aari nila ang subdivision. Nai-post sa FB group page ng Summer Pointe ‘yung ginawa nila na pagpaskil ng names, maraming nag-react sa ginawa nila. Ang ginawa naman ng admin ‘e tinanggal sa group ‘yung mga sumang-ayon sa nag-post. Maliwanag na pambabastos ang ginagawa nila. Ibinoto sila ng homeowners para mapangalagaan ang isa’t isa pero anong ginawa nila. Nalalapit na ang eleksiyon sa amin kaya nananawagan kami sa ilang opisyal na huwag nang tumakbo sa susunod na election of officers.

(Name withheld upon request)

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *