Thursday , January 9 2025

Wu Hao Case imbestigahan rin ng Kongreso! (20M payola para makalaya)

00 Bulabugin jerry yap jsyKASAMA sa isa pang malaking anomalya na sinabing iniuugnay rin kay BI Comm. Fred ‘serious dishonesty’ Mison na dapat kalkalin/imbestigahan ng kongreso ang kaso ng isang foreigner na kinilala sa pangalang WU HAO

Si WU HAO sinasabing miyembro ng Chinese Triad ay pumasok sa Filipinas gamit umano ang isang fake Guatemalan Passport.

Siya ay ibinalik sa Filipinas matapos ma-A-to-A sa Hong Kong.

Ikinulong si Wu Hao sa BI detention cell sa Bicutan. Noong Associate Commissioner pa lang si Miswa ‘este’ Mison ay ipinilit umano na papirmahan sa BI Board of Commissioners ang isang resolution na nagsasabi na ‘in good faith’ daw ang pagkakamali ng nasabing si WU HAO.

What the fact!?

Chinese triad in good faith!?

Tindi mo naman!?

Matigas na tinanggihan ni dating Immigration Comm. Ric David, Jr. ang pagkakapasa ng resolution sa BI-BOC, ngunit wala rin siyang nagawa dahil talo sa boto na 2-1.

Umugong sa BI main office na ‘kargado’ umano ng tumatanginting na 20M piso ang budget para sa pagpapalaya kay Wu Hao!?

Gusto lang nating tanungin ang magiting na Immigration Commissioner, kung totoo ang usap-usapan noon na nang maupo siyang Commissioner ng Bureau, ang una raw naging agenda ni Mison ay patahimikin ang mga nakaaalam ng kaso ng nasabing tsekwa kasama na ang pagpapatago ng case folder?

Is that the truth and nothing but the truth, Sir Freddie?

Ang malaking tanong ngayon, NASAAN at BAKIT tuluyang NAWALA na ang case folder ni WU HAO sa files ng bureau?

Sino ang tuluyang nagtago at nagtapon sa basura ng misteryosong 20M kaso?

Sino sa palagay ninyo?

Sino-sinong Legal officer ang dinaanan ng kasong ito?

Since alam naman natin na walang basta aamin, ating tatawagin ang pansin si Madame SOJ Leila De Lima pati na ang Kongreso para magkaroon ng linaw kung may katotohanan ang 20M payola sa kaso ng Chinese Triad na si WU HAO?!

Balita natin na kung meron man daw kinatatakutan na issue ang isang nagpapapanggap na Mr. GOOD GUY ‘kuno’ sa Bureau of Immigration, ito ay walang iba kundi ang kaso ni U-HAO ‘este WU HAO!!!

Anong sey mo Ms. Valerie!?

De Lima’s probe order on CNN’s cameraman  killing nakauumay na!

ANDIYAN ka na naman…inuuto-uto… ang media…

‘Yan siguro ang bagay na kanta para kay Justice Secretary Leila De Lima.

Paiimbestigahan daw niya agad ang pagpaslang kay CNN assistant cameraman Jonathan “Jojo” Ol-dan, 29-anyos.

Si Oldan ay pinaslang ng nag-iisang suspek nitong nakaraang Huwebes ng umaga sa Imus, Cavite.

Ipinaaalam pa raw ni Justice Secretary De Lima ang motibo ng pamamaslang kay Oldan kung ito ay may kaugnayan sa kanyang trabaho sa media.

OMG!!! Hindi ka naman kalbo, madam Leila, bakit ka nagpapatawa?!

Kung walang kaugnayan sa kanyang trabaho ang pamamaslang kay Oldan, isasama na lang siya sa talaan ng isang ‘normal’ na unsolved cases?

Ganoon ba ‘yun, Secretary De Lima?

Sa totoo lang, paulit-ulit na parang pirated CD lang ang pronouncement ni Madam Leila tuwing may pinapaslang na mamamahayag.

Parang gusto na rin natin maniwala na bilang kalihim ng katarungan, tinatanggap na lang ni Madam Leila ang mga pamamaslang sa ating bansa na isang ‘normal na pangyayari’ sa isang lipunan na ‘suppo-sedly’ ay sibilisado.

Nagkakaroon lang ng kakaibang ‘urgency’ ang mga awtoridad na usisain ang isang kaso ng pamamaslang kung ang biktima ay mamamahayag.

Pero take note, kailangan umanong may kinalaman sa trabaho ng biktimang media person ang pagpaslang sa kanya bago maging ‘urgent’ ang pagpapaimbestiga ng pamahalaan.

At kung walang kaugnayan sa kanyang trabaho, okey lang na maging unsolved case?!

What the fact!

Noong nanunungkulan pa tayong pangulo ng National Press Club (NPC) nag-initiate ang inyong lingkod ng dialogue dahil sa sunod-sunod na pa-mamaslang at tangkang pamamaslang (lalo sa kaso ni Jojo Trajano at Fernan Angeles) at ang masaker ng mahigit 50 katao na kinabibilangan ng mahigit sa 30 mamamahayag sa Maguindanao.

Ganoon din ang mga sumunod na pamunuan pero hanggang ngayon ay wala tayong nakikitang hakbang mula sa mga awtoridad na magiging deterrent para magkaroon man lang ng konting takot ang mga ‘malalakas ang loob’ na pumapaslang at nagpapaslang sa mga mamamahayag.

Puro umpisa pero walang natapos!

Ibig sabihin, Madam Leila, walang nagmarkang hakbang mula sa iyo para pigilan ang media killings sa bansa.

Kaya no wonder, na marami ang hindi natutuwa sa plano mong pagkarera sa Senado.

Baka makadagdag ka pa sa bilang ng mga mambabatas na haharang sa Freedom On Information (FOI) Bill.

Kapag nangyari ito, masasabi nating, bigong-bigo ang katarungan sa iyo, Madam Leila.

DMCI paboritong contractor ng DPWH

KA JERRY, sana mapabusisi ang mga project o kontrata na nai-award sa DMCI. Daan-daang milyon ang mga kontrata na nakuha nila. Usapan dto sa DPWH na paboritong contractor ni Sec. Singson ang kompanyang ‘yan. +639193004 – – – –

Pergalan sa Cavite timbrado sa PNP!?

SIR, hataw ang pergalan nina Malou at Martesa sa Maricriz Subdivision, Gen. Trias at Barangay Bucandala Imus, Cavite. Untouchable kasi timbrado ho sa mga local pulis. +63906218 – – – –

Saan napunta ang benepisyo ng airport employees?

HELLO Sir, Sir maganda rin cguro i-feature ninyo ang benepisyo sa airport na nagkawalaan, NACA na quarterly pero biglang nawala, saan napunta ang pera, at ‘pag may kaso, Airport police ipinapaho-hold sa personnel ang benefits at tinatanggal ang overtime e wala p namang verdict ‘yung admin sa case, samantalang ‘pag may kaso sa Ombudsman ‘di naman hold ang overtime. Hindi pa guilty ‘yung tao, tinatanggalan na nla ng benefits, overtime, one month bonus, 13th month na violation malinaw sa civil service. Pati health card na dati 100k ang amount ngayun 55k na lang. Tinanggal pa dental sa health card namin. Salamat Sir, pero confidential na lang sana identity ko po. Salamat.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

PADAYON logo ni Teddy Brul

FPJ Panday Bayanihan Partylist patok sa masa

SUMISIKAT sa masa ang party list na FPJ Panday Bayanihan party-list. Isa sa mga pangunahing …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos: kulelat na sa Pulse Asia, kulelat pa rin sa SWS

SIPATni Mat Vicencio KUNG hindi magbabago ng taktika si Senator Imee Marcos sa kanyang ginagawang …

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *