Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mercedes Cabral at Lou Veloso, tampok sa Da Dog Show

062915 Mercedes Cabral Lou Veloso Dog Show

00 Alam mo na NonieTAMPOK ang mga premyadong aktor na sina Mercedes Cabral at ang beteranong si Lou Veloso sa indie movie na Da Dog Show. Ito ay isang German-Filipino production na ukol sa 70-year old dog trainer na si Mang Sergio at sa 24-year old niyang anak na babae na mentally challenged. Hango ito sa tunay na buhay at inabot nang limang taon bago natapos.

Makikita rito ang struggle ng mag-ama para maka-survive sa hirap ng buhay, habang pinipilit na mabuo ang kanyang pamilya. Ang nakababatang anak kasi ni Mang Sergio ay tinangay ng kanyang asawa, nang walang sabi-sabing iwan ang kanyang mag-aama. Makikita rin sa pelikula ang stuggle ng maraming Filipino na dahil sa hirap ng buhay ay napilitang sa sementeryo manira-han.

Si Mercedez ang gumanap bilang si Celia, ang 24-year old na dalaga na may pag-iisip ng batang 6-year old. Tumutulong siya sa amang si Sergio sa ginagawang pagtatanghal, kasama ng kanilang dalawang aso.

Ayon kay Mercedes, isa ito sa pinakamahirap na papel na nagampanan niya sa kanyang acting career.

Sa panig naman ni Mang Lou, sinabi niyang kakaibang experience para sa kanya ang pelikulang ito. “Napaka-heart warming and humbling experience for an actor to do the life of Mang Sergio. I mean in real life, napakasimpleng mga tao, masaya ang kanilang pamumuhay sa mga simpleng bagay na kung titingnan ng mga medyo nakaaangat ang buhay sa kanila, paano sila nabubuhay nang ganoon lang?

“So, sa pamamagitan ng kabuhayan niya na magpakita ng gilas at talento ‘yung mga aso, naitatawid niya ang kanyang pamilya sa pang-araw araw na pangangailangan.

“Kaya sana ay mapanood ito ng may malalim na pananaw na mga manonood, na ‘yung pagiging simple ng isang tao ay makapagpapakita ng mas malaking bagay sa mga mas nakatataas sa kanila. Para siguro, hindi ka ma-ging gahaman sa pamumuhay mo, na maiisip natin na may mga kababayan tayo na nanga-ngailangan,” saad niya.

Dagdag ni Mang Lou, “Ang dami nating istorya ng kahirapan, pero dapat kasi mayroon kang gustong sabihin without even saying a word or sa pagtawag sa attention of our leaders whe-ther local or national na, ‘Tingnan n’yo naman kami, ‘yung kondisyon namin, dito kami naninirahan sa sementeryo.’

“So, may social relevance itong pelikula.”

Ang Da Dog Show, mula sa pamamahala ni Direk Ralston Jover at produce ng German na si Mr.Sven Schnell, ay kalahok sa Competition ASEAN Skies Section: World Premieres Film Festival Philippines 2015. Mayroon itong screening sa Cinema-2 sa SM North EDSA nga-yong Lunes, June 29, 5 pm; July 3, Friday sa Cinema-6 sa SM Megamall, 5 pm, at July 7, Tuesday sa Cinema-2 sa SM North EDSA, 1 pm.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …