Aries (April 18-May 13) Hindi mo na kailangang magpalabas ng press release; kakalat din ang magandang balita.
Taurus (May 13-June 21) Mag-ingat sa sobrang mga pangako. Basahin ang fine print at kunin ang resibo.
Gemini (June 21-July 20) Maghanap ng alternatibong ruta; ang mistulang trahedya ay roadblock lamang.
Cancer (July 20-Aug. 10) Magbakasyon mula sa trabaho sa opisina. Maging ilang oras lamang ay makatutulong din.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Panahon na upang paganahin ang iyong mental engine. Ang iyong isipan ay naka-autopilot nitong nakaraan.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Kung gaano kakaunti ang iyong sasabihin kaugnay sa tsismis, mas maigi.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang lahat ay umaasang ikaw ay kikilos. Kumilos ka na, ano pa ang hinihintay mo?
Scorpio (Nov. 23-29) Huwag patatali sa grupo. Magbuo ng whole new vocabulary.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Maaaring hindi naman ganyan kalabo ang iyong paningin; maaaring kailangan mo lamang ng sapat na liwanag.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ang gawaing ito ay hindi dapat na maging kabagot-bagot na trabaho.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ano?, naisip mong hayaan na lamang ang mga bagay? Hindi ‘yan makabubuti.
Pisces (March 11-April 18) Kumilos ka, batid mo ang tamang gawin sa ganitong sitwasyon. Huwag na itong patagalin pa.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Panahon na upang tawagin ang iyong mga kaalyado at mga taong may utang na loob sa iyo, kailangan dito ng team effort.
ni Lady Dee