Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Textmate na dalagita tinurbo ng 2 obrero

DAGUPAN CITY – Arestado ang dalawang construction worker na gumahasa sa kanilang textmate na dalagita sa bayan ng Pozorrubio sa lalawigan ng Pangasinan kamakalawa.

Napag-alaman, binabantayan ng biktimang itinago sa pangalang Nene, ang maysakit niyang ina nang i-text siya ng suspek na si Jericho Garcia, 18, residente sa lalawigan ng Nueva Ecija at niyayang maglakad-lakad.

Agad sumakay sa motorsiklo ang dalagita nang sunduin siya ng suspek ngunit hindi niya inasahang dadalhin siya sa construction site kung saan nagtatrabaho si Garcia.

Dito isinagawa ng suspek ang panggagahasa sa biktima kasama ang kanyang katrabahong si Randy Vergara, 25.

Makaraan ang panghahalay, isinakay ni Garcia ang biktima sa motorsiklo at iniwan sa kalsada sa Brgy. Bobonan sa nasabing bayan.

Masuwerteng nakasalubong ng biktima ang isang Frennel Damason na sinamahan siyang i-report sa Sison Police Station ang kanyang sinapit.

Sa pakikipagtulungan ng Sison PNP at Pozorrubio PNP, agad  nadakip ang dalawang suspek na nahaharap sa kaso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …