Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gandang Lalaki winner Nikko Natividad, may indie movie na!

 

062615 Nikko Sig Natividad

00 Alam mo na NonieMAY indie movie na ang grand winner sa Gandang Lalaki segment ng It’s Showtime na si Nikko Natividad. Siya ang bagong talent ni katotong Jobert Sucaldito at ayon sa kanya, nakatakda nang gumawa ng indie film si Nikko.

Iglap ang title ng movie na mapapasabak si Nikko na pamamahalaan ni Direk Neil Buboy Tan at pagbibidahan ni Neil Coleta. Nakatakda ring gawin ni Nikko ang play under ng DepEd na iikot sa iba’t ibang paaralan.

Sino ang idol mong aktor at gustong sundan ang yapak?

“Si Coco Martin, magaling po kasi siya. Iyong pag-arte niya ay may hugot talaga na parang napagdaanan niya. Na parang pareho kami, waiter din ako sir e, pareho kaming mahirap at pareho kaming maagang nagtrabaho.

“Kaya inspirasyon ko sir si Coco at gusto kong gayahin siya na isang magaling na actor,” saad ni Nikko.

Ang 21 year old na binata na tubong Malolos, Bulacan ay sumailalim sa acting workshop sa pangangalaga ng komed-yanteng si Ogie Diaz.

Anong natutunan mo so far kay Ogie? “Tapos na po ako sa basic. Advance na po ako nga-yon at nalaman ko na yung basic na pag-arte, kung paano magkabisa ng script, kung paano yung tamang pag-deli-ver ng mga script.

“Sobrang enjoy po ako sa pagwo-workshop kay sir Ogie, napakagaling po, hands-on po si sir Ogie, hands-on ta-laga sa amin.”

Paano mo siya ide-describe bilang teacher? “Wala pong stress kay Sir Ogie. Kasi, mahigpit siya pero napapatawa niya kami. Hindi kami natatakot, pero sumusunod kami sa kanya agad. Kasi iba yung aura niyang magturo, iba yung dating niya. Para lang kaming naglalaro sir, yun na yung pinaka-definition ko sa kanya.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …