Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Allen Dizon, naka-pitong Best Actor na para sa Magkakabaung

 

062615 Allen dizon Baby go sunshine

00 Alam mo na NoniePATULOY sa paghakot ng Best Actor award si Allen Dizon para sa pelikulang Magkakabaung. So far, pitong tropeo na bilang Best Actor ang nakuha ni Allen para sa naturang pelikula na pinamahalaan ni Direk Jason Paul Laxamana.

Kabilang dito ang tatlong international Best Actor awards sa Harlem International Film Festival sa New York, Hanoi International Film Festival sa Vietnam, at Silk Road International Film Festival sa Ireland. Sinundan pa ito ng apat na local awards bilang pinakamahusay na aktor sa MMFF New Wave, 13th Gawad Tanglaw, 17th Gawad Pasado, at ang pinakahuli ay sa 38th Gawad Urian awards.

This year ay itinanghal din si Allen bilang Best Actor sa 1st Sinag Maynila Film Festival para sa pelikulang Imbisibol.

Ayon sa manager ni Allen na si Dennis Evangelista, sa ngayon ay nakakuha na ng 16 acting awards ang actor. Kabilang dito ang twelve Best Actor at four Best Supporting Actor awards. Plus, mayroon pa siyang apat na special awards.

Mula sa pagiging sexy star ay naging award winning actor ka, paano mo ide-describe ang journey na nangyari sa i-yong showbiz career? “Noong time na iyon, ang naging inspirasyon ko ay ang mga pinagda-anan ko.

“Lahat ng pinagdaanan ko, roon ko lahat nabibigay ‘yung pag-arte ko. Lahat ng struggles ko, lahat ng experience ko… good experience, bad experience, lumalabas iyon sa pag-arte ko.”

May instance ba dati na minaliit ka dahil naging sexy actor ka?

Sagot niya, “Marami. Mara-ming ganoon. Pero hindi ako nagtatanim ng sama ng loob at hindi ko sineseryoso ang mga ganoon. Kasi, as far as I know, wala akong ginagawang masama dahil trabaho ko lang iyon, e.

“Mas lalo akong na-challenge sa mga ganoon. Kung walang ganoon, baka hindi duma-ting itong suwerte sa akin. And para sa akin, kung anuman ang nara-ting ko ay pinaghirapan ko naman lahat iyon.”

Katatapos lang ni Allen ang Iadya Mo Kami ng BG Productions International ni Ms. Baby Go. Ito’y sa panulat ni Ricky Lee at sa direksyon ni Mel Chionglo. Isang pari rito si Allen na nagkaroon ng girlfriend at nagka-anak. Kasama niya sa pelikula sina Eddie Garcia, Aiko Melendez, Ricky Davao, at Diana Zubiri.

Sisimulan na rin ni Allen ang Sekyu ng BG Productions pa rin. Ito’y sa panulat ni Ricky Lee at pamamahalaan ni Direk Joel Lama-ngan.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …