Saturday , December 21 2024

Maria Ozawa inisnab ni PNoy

DEADMA ang Palasyo sa alok ni Japanese porn queen Maria Ozawa na maka-date si Pangulong Benigno Aquino III.

Tumanggi si Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na magbigay ng reaksyon sa pahayag ni Ozawa dahil personal na usapin ito.

“I usually reserve comment on matters relating to the President’s personal affairs,” ani Valte.

Si Ozawa ay kasalukuyang nasa bansa para gawin ang Metro Manila Film Festival Entry na “Nilalang” katambal ng action star na si Robin Padilla.

Dati nang naugnay si Pangulong Aquino, noong kongresista pa lang sa bold star na si Barbara Milano.

Hindi nagtagal ang relasyon nila ni Milano dahil ayaw ng pamilya Aquino sa bold star para sa kanilang “unico hijo.”

Si Milano ay sumikat sa bold movies na “Masarap Habang Mainit,” “Kaulayaw,” “Tikim,” “Biglang Liko” at”Virgin People III”.

Pumasok din si Mi-lano sa politiko at nagsilbi ng isang termino bilang konsehal sa Talavera, Nueva Ecija noong 2004-2007.

Huli siyang sumabak sa eleksiyon noong 2013 bilang isa sa  mga kandidatong konsehal ng Li-beral Party sa Talavera ngunit natalo.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *