Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ama kinatay sa away ng anak sa kapitbahay (Lola sugatan din)

TUGEUGARAO CITY – Patay ang isang manggagawa makaraan pagtatagain at saksakin ng dalawa katao dahil sa away ng mga bata sa bayan ng Lallo, Caga-yan kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Allan Frugal, 33, habang ang mga suspek ay sina Ricky Comador at Apolinario Comador, 62, magsasaka at kapwa residente ng Brgy. San Antonio, Lallo, Cagayan.

Ayon kay SPO1 Gilbert Columna ng PNP Lallo, bago ang insidente, nagkaroon ng away ang anak ng biktima at anak ng isa sa mga suspek.

Ngunit nang malaman ng biktima ang pangyayari, sinuntok niya ang anak ng suspek. Nahimatay ang bata kaya agad isinugod sa ospital.

Dahil sa pangyayari, agad sumugod ang da-lawang suspek sa bahay ng biktima na may dalang itak at kutsilyo.

Pinagtataga at pinagsasaksak nila ang biktima naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Nabatid na sugatan din ang lola ng biktima makaraan tagain nang tangkang umawat sa insidente.

Nahuli ang mga suspek sa isinagawang hot pursuit operation ng pulisya.

Napag-alaman, may dating record sa pulisya nang pananaga ang suspek na si Apolinario Comador.

Nahaharap sa kasong murder at frustrated murder ang dalawang suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …