Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiko Matos, na-starstruck kay Nora Aunor!

 

062415 kiko matos nora aunor

00 Alam mo na NonieAMINADO si Kiko Matos na kinabahan at na-starstruck siya sa Superstar na si Nora Aunor na tampok sa pelikulang Kabisera. First time niya kasing nakita at nakatrabaho ang award winning actress.

“I was a bit scared. Ako kasi kapag alam kong isang magaling na artista ang isang tao, dekalidad na katrabaho, kinakabahan talaga ako and nai-starstruck po ako,” saad ni Kiko.

“Ang role ko po rito, pamangkin ni Ate Guy na nagtatrabaho sa barangay hall, kung saan ang tito ko po (Ricky Davao) na asawa ni Ate Guy ang barangay captain. Isang karangalan po ang makatrabaho ang isang Ate Guy.

“Never ko po in-imagine na bigla ko po siya makakatrabaho dahil mabilisan din po akong na-cast sa pelikula. Noong unang araw kong makatrabaho siya, sobra akong kinabahan sa mga unang eksena namin.

“Si Ate Guy naman po ay napakabait at truly humble ang pagkatao niya. Pagka- start namin ng pangalawang eksena at ang mga sumunod ay tila na lang nawala yung kaba na naramdaman ko,” nakangiting dagdag pa niya.

Maraming project ngayon si Kiko, pero ang dapat abangan muna sa kanya ay ang Sino Nga Ba Si Pangkoy Ong? na isa sa entry sa World Premieres Film Festival Philippines/Filipino New Cinema section.

Ang World Premieres Film Festival Philippines ay hatid ng Film Development Council of the Philippine at mula sa pakikipagtulungan ng SM Cinema. Gaganapin ito sa June 24 hanggang July 7, 2015 sa SM North EDSA.

“Ang role ko po sa Pangkoy Ong ay si Armand, isang medical student na hindi na sinusuportahan ng magulang kaya po gumawa ng plano yung character ko at mga kaibigan niya para iblackmail si Pangkoy Ong. Comedy po ito at I’m sure na maiibigan ito ng moviegoers.”

ALAM MO NA – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …