Saturday , January 4 2025

Sa OJT na kami kaysa eksperto… sa pandarambong

00 Bulabugin jerry yap jsyNAKA-SEGWAY na naman ang isang party-list representative, makasawsaw lang at maisabit lang ang sarili sa hanay ng presidentiables.

Si Senator Grace Poe raw po ay magiging on-the-job trainee (OJT) na presidente, sakaling makalusot sa May 09, 2016 elections.

Nakapahusay naman humusga ng representative ng isang religious party-list!?

‘E ano palang tawag mo sa dating presidente na si Madam Cory Aquino?!

Hindi rin ekspersiyensiyado  at sabi nga ay isang biyudang maybahay.

Sa ganang atin, mas pipiliin natin ang tinaguriang OJT kaysa eksperto…

Eksperto sa pandarambong.

‘Di bale nang tila OJT, pero wagas at tapat naman sa kanyang paglilingkod sa bayan.

Kaysa naman eksperto pero lagi tayong niloloko…

‘Di ba mga suki?!

Boracay barangay kagawad ‘MD’ i-lifestyle check agad-agad! (Attention: Ombudsman)

ISANG barangay kagawad sa isla ng Boracay ang ngayon ay namamayagpag umano dahil sa kanyang raket na tila siya ang nagmamay-ari ng buong isla.

Habang nilalamon ng malaking apoy ang 4-ektaryang komunidad na bahagi ng kabuuang isla, isang barangay kagawad naman ang tila himbing na himbing sa pagtulog sa kanyang bagong P18-M mansion.

Yes, Philippines!

Ganyan kayaman ngayon ang isang barangay kawatan ‘este’ kagawad na labis na ipinagtataka ng kanyang constituents. 

Para nga raw tumama sa lotto kung magpabongga si barangay kagawad…

Malakas daw talaga ang kitakits ni Kagawad dahil matindi ang sideline sa bentahan ng lupa sa Boracay. 

Siya rin ang kamador ng mga goodwill money sa mga bossing niya sa munisipyo?!

Gusto ba ninyong makilala kung sino ang kagawad ninyong may P18M-mansion, Mayor John Yap?

Aba ‘e amuyin ninyo!

Hanapin ninyo ang kagawad na mayroong letrang M at letrang D…

Tiyak ‘yun!

Ano sa palagay ninyo Boracay Mayor John Yap?!

Sino ba ang tunay na Mayor sa Maynila?!

MAGANDANG araw po, Sir Jerry Yap. Wala na po kaming mapuntahan kaya sa inyo na kami magsusumbong.

Kami po ay ilang residente rito sa V. Mapa, Sta. Mesa na halos ilang dekada nang naninirahan sa nasabing lugar. Dito na po halos nagsipagtapos ang aming mga anak sa pag-aaral.

Ilan sa kanila ay nagtatrabaho dito sa bansa, ang iba naman ay nakapag-abroad na.

Marami na rin sa amin ang nakabili ng bahay sa Cavite, Laguna at San Jose Del Monte sa Bulacan, pero s’yempre, dahil dito na halos kami nag-ugat, gusto sana namin na sa amin mai-award ang mga pribadong lote na matagal nang pinabayaan ng mga may-ari. Nakahanda naman kaming dumaan sa proseso para maipasailalim sa CMP ang lote. Matagal na naming pinaghahandaan ito.

Pero nalungkot kami, dahil nagpalit lang ng administrasyon, wala nang nangyari sa aming pangarap na magkaroon ng kahit maliit na lote sa Maynila.

Kahapon po, idinemolis kami, para bigyang-daan ang itatayo umanong terminal ng G Liner. Ang may-ari po ng nasabing transport company ay mayor ng San Juan City na si Guia Gomez, ang nanay ng anak ni Erap.

Mantakin ninyo, naging mayor lang ng Maynila si Erap, nawala na ang pagkakataon na mapasaamin ang kakapiranggot na loteng matagal na naming inaalagaan?!

Ultimo po chairman namin ay walang magawa at hindi makakilos, kasi nga nanay ng anak ni Erap ang  nagpa-demolish.

Grabe na talaga, Sir Jerry!

‘Yan ba ‘yung sinasabing makamahirap?! ‘E sagad sa buto kung magpahirap sa bayan! Dinambong ang kabang-yaman ng bansa, nasentensiyahan at nakulong, tapos mayor na naman?! KAPALMUKS na ‘yan!

— email add witheld upon request

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *