Friday , November 15 2024

DPWH modelong kagawaran — PNoy

MULA sa pagiging pinakatiwaling ahensiya ng pamahalaan ay naging modelong kagawaran na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa panahon ng administrasyong Aquino.

Ito ang papuri ni Pangulong Benigno Aquino III sa DPWH sa ika-117 anibersaryo ng kagawaran kahapon.

“Kung may ahensiya sa gobyerno na dapat tularan sa pagpapaginhawa sa kalagayan ng taumbayan, DPWH iyan. Ang dating poster boy ng katiwalian, ngayon ay modelo na ng episyenteng pamamalakad.Wala nang palakasan. Wala nang pa-pogi,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati.

Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo, ang buong estratehiya ng pagrereporma sa DPWH ang tinaguriang 5Rs, “Right projects, at the right cost and right quality, and accomplished at the right time with the right people.”

Ipinangako ng Pangulo na daragdagan ang budget ng DPWH sa susunod na taon.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *