Wednesday , December 25 2024

Administrator ng Pasay Cemetery, nahaharap sa patong-patong na kaso? (PART 2)

00 rex target logoPOSIBLENG kasuhan ng mga kamag-anakan ng mga nakalibing na patay sa Sarhento Mariano Public Cemetery sa Pasay City si Ms. Remy Garcia, administrator ng naturang libingan kung mabibigong ipaliwanag nito kung bakit basta na lamang giniba nang walang abiso ang mahigit 50 nitso sa loob ng nasabing libingan.

Mga kasong kriminal, sibil at administratibo ang handang isampa laban kay Garcia ng mga pamilya ng mga patay na giniba ang puntod.

Ayon sa mga apektadong kaanak ng mga nakalibing sa nasabing sementeryo,  hindi lamang binaboy ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay nang ipag-utos ni Garcia ang paggiba upang bigyang-daan ang isang proyekto ng mga Koreano para sa semi-privatization project.

Bukod dito, hindi man lamang nagbigay ng pasabi ang tanggapan ni Garcia sa kaanak ng mga patay para man lamang mailipat ang labi ng mga nakalibing sa mga nitso.

Ayon sa sources ng TARGET, tumataginting na P20-M ang dahilan ng nasabing minadaling proyekto na hindi man lamang isinagguni sa konseho ng siyudad.

Dalawang mataas na opisyal ng Pasay City government ang umano’y nagbulsa sa nasabing napakalaking halaga buhat sa grupo ng mga Koreanong ini-endorso ni Garcia.

Ayon sa sources ng inyong lingkod, nakatakdang ilapit ng mga apektadong pamilya ang kaso kay human rights lawyer Harry Roque na isang Pasay resident din.

Si Roque ay sinasabing tatakbo bilang Congressman ng lungsod kapartido si former Congressman, Dr. Lito Roxas.

Sinabi ng source na kasong kriminal ang umano’y inihahandang isampa kay Garcia at sa ilang city hall officials na direktang nakinabang sa ‘goodwill money’ na ipinagkaloob ng mga Koreano.

Samantala, laan namang imbestigahan ng City Council ng Pasay ang panibagong kontro-bersiya nang lumutang ang pangalan ng matataas na opisyal ng siyudad makaraang mailathala sa mga pahayagan.

Sinikap nating makuha ang panig ni Ms. Garcia ngunit hindi natin makita sa kanyang tanggapan ang lady administrator.

Totoo nga bang mga pangalan ni Mayor Tony Calixto at Congresswoman Emi Calixto-Rubiano ang binanggit ni Garcia na nag-utos sa kanya para gibain ang mahigit 50 nitso?

Ito rin umano ang ibinulgar ng mga Koreanong desmayado ngayon sa pagkakabalam ng nasa-bing proyekto na naumpisahan na ang construction ng ilang apartment-type na mga puntod na planong paupahan at singilin ng nasabing Korean businessmen.

Si Garcia umano ang nag-endorso ng natu-rang proyekto kay Mayor Calixto dahil boyfriend umano ni Garcia ang isa sa mga negosyanteng Koreano na interesado sa Pasay Cemetery Privatization Project.

May kasu-nod…

Abangan!

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *