Harassment sa 2 indian national sa BI-Mactan (Pakibasa SoJ Leila de Lima!)
Jerry Yap
June 21, 2015
Bulabugin
AWARE kaya si DOJ Sec. Leila De Lima na isang Lawyer confidential agent sa Bureau of Immigration ang pinagkalooban ng sobrang powers to the extent na tuluyan nang nagbibigay ng mga diskarteng sablay sa office ni Comm. Fred ‘valerie’ Mison?
Kumustahin natin kung nakarating kay DOJ Sec. Leila De Lima ang kaso ng dalawang (2) Indian nationals na si Hardeep Singh and Gagandeep Singh na na-exclude noon pang March 2014 sa Mactan Cebu International Airport.
Since excluded na for violation of Sec. 29(a) (5) of Philippine Immigration Act of 1940, as amended, o sinasabing for being a Public Charge ang kaso ng nasabing dalawang Bombay, nararapat lang na tuluyan nang i-deport pabalik sa pinanggalingan nilang bansa.
Pero sa hindi malamang dahilan, isang Atty. Tara ‘girl’ daw na naka-assign noon sa BI-MCIA ang biglang nag-oppose at ipinilit na huwag i-deport ang dalawang Bombay at ikulong na lang sa opisina ng Mactan Cebu?!
E bakit daw?
Ano ang legal personality ng isang confidential agent na i-overrule ang decision ng BI Head Supervisor sa Airport?
Hindi raw talaga pumayag si Atty. Tara “Girl” na hindi maipakulong ang dalawang kaawa-awang Indian nationals at kung ano-ano pa ang ipinatong na kaso para lamang mai-file sa Cebu RTC!
Sonabagan!
Ano ‘yan, pakitang gilas?
Wala raw nagawa ang mga Bisor sa BI-MCIA at hindi na nakapagreklamo sa inaasal nitong si Atty. tralala ‘este Tara pala dahil sa takot nila na magsumbong kay Comm. Fafah ‘este mali, Fred Mison at baka sila pa raw ang mapasama.
Since tuluyan nang nagkaroon ng kaso sa korte ang dalawang kawawang Bombay, isang very in-appropriate action pa ang pinakawalan ng nagpi-feeling OIC na abogaga ‘este abogada.
Ano raw ‘yun?
Without proper authority vested on her, siya pa raw ang nag-attend ng “hearing” at talagang nag-enter pa ng appearance sa Cebu RTC.
What the fact!? Hindi ba bawal ‘yan?
Anong personalidad ng isang confidential agent na i-represent ang pangalan ng Bureau of Immigration sa mga ganitong klaseng kaso?
Pakisagot nga Atty. Norman ‘bright boy’ Tansinco!
Kahit alam pa raw ni Comm. Mison ang mga saltong pinaggagagawa ni Atty. Tara “Girl” ay patuloy pa rin niyang kinokonsinti dahil malay natin kung kasama rin siya sa mga pinag-aalayan ng kanyang favorite past time na basketball, hindi ba?
Well, Madame Secretary De Lima, puwede ninyong imbestigahan ang kasong ito diyan sa BI-MCIA.
Kompleto ang hawak naming dokumento at hindi po ito tsismis!
Kung interesado kayo, magpasabi lang kayo para maihatid namin nang buong-buo ang kompletong detalye ng kasong ito diyan sa DOJ for proper investigation.
It’s not fun anymore at BI-Mactan, Madame SOJ De Lima!
Hanggang ngayon ay nasa custody pa ng BI ang dalawang (2) Indian nationals at ang isinisigaw nila ay HUSTISYA!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com