BOC Collection Service
hataw tabloid
June 18, 2015
Opinion
BOC Commissioner Alberto Lina bakit po ang Department of Collection Service which is a part of Executuive Order 127 ng Bureau of Customs ay nawalan ng papel to do their job for a very long long time.
From the administration of former customs commissioners Boy Morales, Lito Alvarez, Ruffy Biazon, John Sevilla ay walang silbi ang collection service.
Pero sa batas ng Customs, ang collection service ang may direct supervision and control over the Collection Performance Evaluation including the Liquidation and Assessment Auditing and also to gather and evaluate collection performance report of the different collection district.
Bakit ba ito ay kinalsohan at ikinahon?
Malaki ang maitutulong nito upang malaman kung sino sa mga departamento ng customs ang may pagkaukulang sa kanilang collection na dapat managot from accounting,auditing and liquidation of entries.This can help the office of the commissioner to formulate POLICIES and GUIDELINES and other DATA required by your office. Ano ba ang tunay na dahilan at nawalan ng function ang opisinang ito?
May itinatago ba ang mga nakaraang commissioners sa tunay at tamang collection report ng BOC?
Gaya ng mga binibigay na collection target sa mga district collector.
Sino ngayon ang inatasan gumawa ng kanilang trabaho that will certify true and correct sa mga sinusumiting collection report sa BI-OCOM?
Suggestion lang Commissioner Lina, sana ma-activate at gamitin ulit ang collection service kung gusto ninyo ng tamang reporting sa collections at malaman ang dahilan kapag bumagsak ang collection.