Aries (April 18-May 13) Marami kang lalahukang mga aktibidad ngayon – ito man ay alam mo o hindi – basta sumagi sa iyong isip.
Taurus (May 13-June 21) Isantabi ang ano mang bagay na kailangan mong lagdaan – well, ano mang bagay maliban na lamang ang rent o mortgage check.
Gemini (June 21-July 20) Magiging abala ka ngayong araw, at nagagawang harapin ang bawa’t proyekto at mga tao sa iyong calendar.
Cancer (July 20-Aug. 10) Mas magiging mahirap ngayon na linawin sa iyong isipan ang iba’t ibang aspeto, at maaaring kailangan mo nang matagal na pahinga bago ito maaayos.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ang iyong big brain ay hyperactive ngayon, magiging madali sa iyo ang pagpapahayag ng mga ideya.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Kailangan mong gumawa ng mahirap na desisyon ngayon – ngunit ang isang ito ay wasto lamang para sa estado ng iyong pag-iisip.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) May matatagpuan kang bagong bagay na gagawin ngayon – bagama’t ninanais mong matagal pa sana itong dumating.
Scorpio (Nov. 23-29) Madi-distract ka ng maliit na detalye sa iyong gawain ngayon, ngunit ito’y mahalaga – huwag itong palagpasin.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Mas nagiging thoughtful ka ngayon, bagama’t hindi mo mapuntirya ang lalim ng ano mang intellectual problems na gumugulo sa iyo.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Ngayon ang perpektong oras sa pagrerebyu ng mga plano at muling balikan ang brainstorms na iyong pinagdaanan – ang iyong pag-iisip ay malinaw ngayon.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Ang hindi inaasahang koneksyon ay maaaring magresulta sa bagay na higit na interestante ngayon.
Pisces (March 11-April 18) Kailangan mo ang matagal na pag-iisip bago ikonsidera ang implikasyon ng ano mang bagay na iyong papasukin.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Maaaring kailangan mo ang isang kaibigan upang tulungan kang higpitan ang gapos nang iyong walang pakundangang paggastos.
ni Lady Dee