Monday , December 23 2024

Ang paliwanag ni S/Supt. Mar Pedrozo

mar pedrozoNAKATANGGAP ang aming pahayagang HATAW ng liham-klaripikasyon mula kay S/Supt. Marcelino Pedrozo Jr., kaugnay ng naikolum ng inyong lingkod na opisyal ng Manila Police District na umano’y kinuyog o binugbog ng mga galit na vendor sa Divisoria.

Nabanggit din natin sa nasabing kolum noong nabugbog naman siya ng mga adik at pusher sa Balic-Balic noong araw.

Pareho pong itinanggi ni Kernel Pedrozo ang dalawang insidente.

Aba ‘e kung totoong hindi siya nabugbog sa Divisoria at sa Balic-Balic, ‘e mabuti naman kung ganoon.

Natutuwa tayo kung hindi naman pala totoo ang naikuwento sa atin ng ating mga impormante.

Sa totoo lang, concern lang naman tayo sa kanya.

Lalo na ‘yung pagkakaospital mo raw.

At gaya ng iyong pagkaklaro, gusto rin natin linawin na ang inyong lingkod ay walang layunin na siraan o laitin ang iyong reputasyon kundi ang sa atin ay pagmamalasakit lamang sa iyo.

Lalo na ngayong nilinaw mo sa iyong sulat na ang ginawa ninyo sa Divisoria ay lehitimong ‘clearing operations.’

Ang sabi mo nga ay lehitimo ang nasabing operasyon dahil utos iyon ni MPD Director, Gen. Rolando Z. Nana.

Napakalaking clearing operations pala niyan Kernel Pedrozo dahil in full force kayo ng TF Organize Vending of Manila City Hall, TF Divisoria, PS-2, PS-11 at District Public Safety Battalion (DPSB) kasama ang SWAT Team.

Ang daming unit niyan.

Mabuti  naman at nahuli ninyo ang isang Abdul Rakman Hunos Masogalao, ang nag-iisang naaresto at nakasuhan ng resisting arrest and assault on person in authority.

Sa laki ba naman ng operation na ‘yan, e parang nasasayangan tayo kung wala man lang kayo nahuli kahit isa, ‘di ba?

Pero bakit pinalabas at hindi naman daw nasampahan ng kaso si Abdul Rakman, Sir Pedrozo?

Hindi rin po talaga tayo nagga-gather ng facts lalo na kung tsismis lang. Legitimate news lang po.

Alam mo ba Kernel Pedrozo, na ilang tauhan pa ng SWAT ang nagpakalat ng balitang ‘yan?  

Nagkataon lang Kernel Pedrozo na may umiyak na  ilang Muslim vendors dahil nagkaroon ng physical contact during the clearing operations at maging ang paninda nila ay sinira o kinompiska ng ilang pulis na kabilang d’yan sa clearing operations ninyo.

Marami ka na rin naman naging kaibigan na negosyante at maliliit na vendor. Alam na alam mo Kernel kung paano masaktan ang isang vendor kapag hindi na sila nakapagtinda kinabukasan. Wala na silang kita, magbabayad pa sila sa 5/6.

‘Di ba Kernel Pedrozo?

Anyway, sorry kung nasaktan ang damdamin ninyo IDOL Kernel Pedrozo.

Gusto lang din natin ng klaripikasyon, mabuti naman po at nagkakaintinidhan tayo pagdating sa bagay na ‘yan.

Sinusuportahan din po ng inyong lingkod ang inyong kampanya laban sa illegal vendors.

Sana po ay para sa lahat na ‘yan.

By the way Kernel Pedrozo, gusto mo rin lang naman na malinis ang Divisoria at ibang palengke sa Maynila, puwede ho bang paki-monitor n’yo at hulihin ang mangongotong diyan na sina alias MEDY-NA at TATA JAMES kahit binuwag na ang TF-Divisoria!?

Aasahan ko po ‘yan Sir!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *