Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Single mother pinilahan ng 8 Koreano (Ari pinasakan ng bote)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Halinhinang ginahasa ng walong Korean national ang 22-anyos single mother at pinaso ng lighter ang kanyang mga kamay at paa saka pinasakan ng bote ang kanyang ari sa loob ng Prince Hotel sa Friendship St., Brgy. Anonas, Angeles City kamakalawa ng madaling-araw.

Base sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Chief Supt. Ronald V. Santos, Acting PRO-3 director, may tumawag kay Senior Inspector Dante Q. Cabungcal ng Police Station 4, mula sa medical staff ng Rafael Lazatin Memorial Hospital, at iniulat na may isang 22-anyos single mother ang halinhinan ginahasa ng ‘di nakikilalang walong Korean National.

Ayon sa salaysay ng biktima, dakong 10 a.m. noong Hunyo 14, 2015 nakilala niya ang isang Mr. Lee, isang Korean national, sa website na WeChat at nagkasundo silang uminom ng Soju-Korean Alcohol drink sa Bada Restaurant sa Brgy. Anonas sa lungsod.

Makaraan ang ilang oras ay niyaya siya ni Mr. Lee sa Prince Hotel ngunit nadatnan nila roon ang pito pang lalaking Korean habang nag-iinoman.

Nakisalo sila sa inoman ng grupo ngunit nang malasing ang walo ay halinhinan siyang ginahasa.

Pinaso aniya ng lighter ang kanyang mga kamay at paa sakay pinasakan ng bote ang kanyang ari.

Nakatakas lamang aniya siya nang makatulog ang mga Koreano dahil sa matinding kalasingan.

Kasalukuyang pinaghahanap ng mga tauhan ng Angeles City Police ang walong Korean national. 

Leony Arevalo/Raul Suscano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …