BAGONG challenge para kay Carlos Morales ang pagiging direktor ng pelikulang Piring (Blindfold), isa sa entry sa World Premieres Film Festival Philippines-Filipino New Cinema section. Ito ay hatid ng Film Development Council of the Philippine at mula sa pakikipagtulungan ng SM Cinema. Gaganapin ito sa June 24 hanggang July 7, 2015 sa SM North EDSA.
Sixteen years na sa showbiz si Carlos at matagal na raw niyang pangarap na makapagdirek ng pelikula.
“Dream ko na ito before pa talaga, noon pa man nagsusulat-sulat na ako. Kapag may mga shooting kami, kunwari sa slums area, kinakausap ko ang mga tao doon, yung mga tambay, nagtatanong-tanong ako.
“Bagong challenge sa akin ang pagiging direktor. Mas mahirap, kasi stressful talaga ito e. kumbaga, ikaw yung captain ng barko e. kaya sobrang major challenge talaga para sa akin ang pagiging direktor
“Ako kasi, I believe na experience is the best teacher kaysa sa mga theory-theory lang. Pero kumuha rin ako ng crash course sa US ng Filmmaking at gusto ko pa ring mag-aral dito sa atin. Seryoso talaga ako sa pinasok ko,” saad niya.
Bakit Piring? “It’s a statement iyan e, double meaning. Kumbaga, wala kang choice na gawin kahit ayaw mo, parang nakapiring kasi ang mata mo.
“So, ito yung tipong napipilitan kang gawin ang isang bagay kahit ayaw mo, kasi wala kang choice.”
Anong klaseng movie itong Piring?
“Isa itong drama, sexy, thriller… lahat na pinaghalo. Pero talagang dark ang movie na ito, kakaiba. Dahil gusto ko kasing isiwalat talaga yung sistema, kung ano ang nangyayari talaga sa lipunan natin ngayon.
“Iyon kasi ang reality talaga e, kumabaga, kapag mahirap ka, yung justice sa iyo ay talagang harsh.”
Sino pang artista ang gustong maidirek?
“Iyong mga top caliber artist like si Manoy, si Eddie Garcia, idol ko kasi talaga iyan e. Sina Vilma Santos, Nora Aunor, siyempre sila, dahil sila iyong mga talagang veterans, na mula noon hanggang ngayon ay talagang nandiyan pa rin sila.”
Ang mga artistang tampok sa Piring ay sina Yussef Esteves, Bembol Roco, Tessie Tomas, Krista Miller, at iba pa.
Bukod sa Piring, ang iba pang entry sa Filipino New Cinema section ay kinabibilangan ng Sino Nga Ba Si Pangkoy Ong?; Kubo sa Kawayanan; Maskara; I Love You, Thank You; Kuwento Nating Dalawa; Filemon Mamon; at Of Sinners and Saints.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio