Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cavs kinapos sa Warriors

 

052815 lebron james steph curry

DOBLE kayod ang kinana ni basketball superstar LeBron James matapos magtala ng triple-double performance pero hindi pa rin sumapat para makuha ng Cleveland Cavaliers ang panalo sa Game 5 Finals ng 2014-15 National Basketball Association (NBA) kahapon.

Umangat ang Golden State Warriors sa 3-2 serye matapos ilista ang 104-91 panalo laban sa Cavaliers at mamuro sa pagsungkit ng unang kampeonato.

Kumamada ng 40 points, 14 rebounds at 11 assists si four-time MVP James sumegundo sa kanya si forward Tristan Thompson na may binakas na 19 puntos, 10 boards at dalawang blocks.

Dikitan ang naging laban mula umpisa hanggang sa kalagitnaan ng fourth quarter.

Hawak ng Warriors ang 85-82 bentahe at naidikit pa ng Cavs sa isang puntos, 85-84 sa isang hook shot ni Thompson mula sa pasa ni James may 5:10 minuto na lang sa fourth period.

Bumira ng 6-0 run sa Warriors, lima ay galing kay veteran Andre Iguodala para sa 91-84 abante may 3:45 na lang sa orasan.

Dinala ni MVP Stephen Curry ang opensa ng Warriors matapos magtala ng 37 markers, pitong rebounds at apat na assists habang nag-ambag sina Draymond Green at Iguodala ng 16 at 14 puntos ayon sa pagkakasunod.

Kailangan manalo ang Cavaliers sa Game 6 na lalaruin sa Cleveland para makahirit ng do-or-die Game 7.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …