Aries (April 18-May 13) Higit na magiging mahalaga ang telepono ngayon kaysa dati – kaya ilapit ito sa iyo.
Taurus (May 13-June 21) Hindi sinasabing ito ay hindi mahalaga, kailangan mo lamang buksan ang iyong mga mata.
Gemini (June 21-July 20) Nangingibabaw ang iyong brainy side ngayon – at hindi pa rin makuntento ang ibang tao.
Cancer (July 20-Aug. 10) Higit na magiging mainit ang iyong ulo ngayon, lalo na dahil sa iyong kaibigan o miyembro ng pamilya na inilalagay ka sa alanganin.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Bagama’t hanggang leeg ang iyong trabaho sa busy month, kailangan mo ring magpahinga at makipagsosyalan.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Malalim ang iyong iniisip ngayon – at ang lahat ay nakapapansin nito.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Mapapansin mong mayroon kang alyado saan mang lugar, kaya huwag mahihiyang humingi ng tulong kung kailangan.
Scorpio (Nov. 23-29) Gawin ang lahat upang pumanig sa iyo ang iyong mga alyado at harapin ang iyong troubles with good humor.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Ikaw ay madedesmaya sa isa sa iyong mga kaibigan – maaaring marami silang masyadong ipinangako, o plano na batid mong hindi naman nila tutuparin.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Magiging higit na interestante ang iyong buhay kaysa dati – ngunit sikaping huwag gagawa ng ano mang sweeping changes.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Mas titindi ang init ng iyong romantic life ngayon – ikaw man ay single, bagong nagmamahal o happily partnered.
Pisces (March 11-April 18) Matatagpuan mo ang iyong sarili sa malalim na conversation ngayon, ngunit kailangan din ng few breaks para makapag-recharge.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Bagama’t hindi naman pumapalya sa pag-ring ang iyong telepono, kakailanganin mo ito dakong gabi para sa important connection
ni Lady Dee